Working for rewards
Isa sa mga motibasyon ng isang manggagawa ay ang araw ng sahuran. Sa araw na ito ang kanilang pagpapagal ay matutumbasan ng halaga. Ang nagtatrabaho ng mabigat (higher positions) ay bibigyan ng mas mataas na kompensasyon kaysa sa gumagawa ng simple't transactional na gawain.
Nauunawaan natin ito. Mas mataas ang sweldo ng mga managers dahil sila ang naglalatag at humihila ng grupo sa pagtamo ng vision kaysa sa mga janitors na naglilinis ng sahig. Walang masama sa paglilinis ng sahig pero hindi nito maaabot ang visions ng grupo (maliban siguro kung ang kalakal ay tiles o any floor-related).
Ganuon din sa espirituwal na buhay. Bawat pagpapagal natin ay gagantimpalaan pagdating ng tamang panahon. Sa ngayon, tila nagpapagal tayo para sa wala. Hindi natin nakikita ang final outcomes. Ang nakikita lang natin ay luha, pawis at dugo (gaya ng sinabi ng isang sikat na Ingles).
Ang mga gantimpalang ito ay pinakita sa Kasulatan sa metapora ng mga korona at mga kayamanan. Ang Cristianong nagsisikap sa Panginoon ay maaaring magkamit ng isa o higit pa sa limang uri ng korona sa Biblia.
Ang kaligtasan ay sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya lamang hiwalay sa mga gawa. Ngunit ang rewards ay para sa paggawa ng pag-ibig ng mga ligtas. Nangangailangan ito ng intentional efforts. Maraming naligtas sa biyaya ang hindi tatanggap ng gawa dahil hindi nila sinunod ang simpleng utos, "Occupy till I come."
Ayaw mo bang magkaroon ng rewards?
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment