The unsung heroes

 


Happy National Heroes Day! Para sa karamihan (lalo na sa Majoha generation), ang National Heroes Day ay walang significance beyond "walang pasok" (yey!). 

Ngunit ito ang araw na piangdiriwang natin ang mga sakripisyo ng mga bayani upanga-enjoy natin kung anumang kalayaang mayroon tayo (including not celebrating the heroes).

Republic Act 9492 designated the last Monday of August as National Heroes Day, serving as an opportunity for the nation to remember the sacrifices and contributions of all Filipino heroes and the bravery they exemplified for our people. ( https://www.manilatimes.net/2025/08/23/tmt-newswire/nation-to-observe-national-heroes-day-2025/2172232 )

Sa taong ito ang tema ay, “Isang diwa, isang lahi, isang bayanihan (One spirit, one race, one community in unity).”

Kapag nabanggit ang mga bayani marahil ang naiisip ninyo ay sila Jose Rizal, Andres Bonifacio o Emilio Aguinaldo, mga sikat na bayani. Hindi ninyo naiisip ang mga "ordinaryong" tao gaya ng mga naglimbag at nagpakalat ng mga akda ni Rizal, ang mga sundalong nakipaglaban sa bandera ni Aguinaldo o ang mga tagapayo ni Bonifacio. Kapag bayani ang pinag-uusapan, tanging nakikilala ang mga "de-kampanilya." Ang mga BTS (behind the scenes) ay nababalewala. 

Alam ninyong tutungo ito sa Biblia. 

Kahit sa mga bayani ng Biblia, ang empasis ay na kina Noe, Daniel at Abraham. Lahat ng mambabasa ng Biblia ay kilala ang mga nasa bulwagan ng bayani sa Hebreo 11. Hindi ko tiyak kung kilala ninyo ang mga tauhan ni David na naglagay sa kaniya sa pwesto (2 Samuel 23). Think about it: noong panahong ang hinirang ng Diyos ay hindi popyular ngunit isang puganteng hinahanap ng hari ng Israel, ang mga taong ito ang tumaya sa kaniya. 

Kahit ngayon, kapag bayani ng simbahan ang pinag-uusapan, ang empasis ay sa ministrong nakatayo sa unahan o sa diakonong may hawak ng pondo ng simbahan. Hindi pinagdidiwang ang mga "ordinaryong" miyembrong nananalangin para sa simbahan, naglilinis at nag-aayos ng upuan o nagluluto at naghuhugas kapag may piging. Ang mga ito ang tunay na nagpapatakbo ng simbahan. 

Kung magkatabi sa isang gilid si Kathryn Bernardo at ang tahimik na naghuhugas kapag may piging, sigurado akong ang papalibutan ay si Kathryn. Nothing against Kathryn (just an example) pero kahit wala siyang ambag sa simbahan at ang kapatid ay matiyagang naghuhugas nang walang hinihinging kapalit but a pure act of love), si Kathryn ang palilibutan.

Why? 

Because we're trained to look at the spectacular. Ang kabayanihan ay isang bagay na nakikita. Agaw-atensiyon. Kaya kapag ang isang gawa ay tahimik at walang impact, hindi ito pinagdiriwang. 

Ang resulta ay ang mga Cristiano ay oriented sa mga gawang pinapalakapakan. Kaya kapag hindi napuri, sumasama ang loob at nagtatampo. 

Funny since this goes against the spirit of Matthew 6. Paulit-ulit nababasa natin ang pagkakaiba ng paglilingkod na ginagawa sa lihim laban sa paglilingkod na nakikita at pinupuri ng mga tao. Ang paglilingkod na hindi nakikita ng mga tao pero nakikita ng Diyos sa lihim, ang mga tulad nito ang may gantimpala sa Ama. 

Ipagdiwang natin ang mga "unsung heroes." Hindi yung mga kilala at nakikita. Ito ay isang uri ng pagtatangi ng kinokondena ni Santiago sa kabanata dos. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Nangungulila sa isang Ama

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION