Hindi nais ng Diyos na lunurin ka sa problema
Marahil napapatanong tayo, "Lord bakit ako? Lunud na lunod na ako. Sana iba na lang."
Hindi ako nagki-claim na tagapagsalita ng Diyos kaya hindi ko alam kung bakit ka Niya binigyan ng mga problema, pero what if amg dahilan ng problema ay hindi upang lunurin ka kundi ilayo ka sa iyong mga kaaway?
Isang kwento na aking naalala ay ang Exodo 14. Ang mga Israelita ay stressed. Napapagitnaan sila ng humahabol na kaaway at ng malawak na katubigan. Ano ang kanilang gagawin?
Kung ikaw ay tipikal na mananampalataya, marahil iniisip mong, "Bakit ako? Katapusan ko na ba? Malulunod na ba ako?"
Ngunit ito ang pagkakataon upang makita ang pagliligtas ng Diyos. Ito ang pagkakataon nila upang magtiwala sa Diyos. Nakita nila ang katapatan ng Diyos sa pag-iingat sa kanila habang ang Egipto ay dumaranas ng 10 salot.
Gaya nang nalalaman ng mga mambabasa, tumawid ang Israel sa tuyong lupa (ang Diyos ay kumikilos para sa Kaniyang bayan), sumunod ang mga Egipcio at sila ay nalunod. Hindi nila nahabol ang mga Israelita.
Marahil kaya ka dumaraan sa mga pagsubok ng buhay dahil ito ang pinakaligtas na lugar para sa iyo. Diyan hindi ka masusundan ng mga kaaway. Diyan makikita mo ang pagliligtas ng Diyos. Kikilos Siya para sa Kaniyang mga anak.
Anumang pinagdaraanan natin ay may layon. At ito ay nakaugat sa mapagmahal at makatuwirang kalikasan ng Diyos.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment