Gentle is strong
Ang Pilipinas ay isa sa mga machismo countries. Ibig sabihin, gusto nating ipakita ang ating pagkalalaki sa agresyon, dominasyon at exaggeration sa ating mga maybahay.
Dahil dito, mataas ang posibilidad ng domestic violence, na marami ang hindi narereport dahil ito ay tinuturing na normal at makasisira sa pamilya.
Ngunit sa Kasulatan, ang tunay na macho ay ang banayad at mapag-ingat sa minamahal. Para sa isang Bible Christian, ang modelo ng manly love ay hindi si Goliath, isang agresibong lalaki, kundi si Jesus na kinumpara sa isang maamong tupang hindi umimik habang dinadala sa katayan.
Sa Efeso 5, pinakita si Jesus bilang modelo ng pag-ibig ng isang lalaki sa kaniyang asawa. Kung paanong ibinigay ni Jesus ang Kaniyang buhay para sa Kaniyang nobya, ang Simbahan, ganuon din naman ang mga asawang lalaki ay dapat mahalin ang kanilang mga asawa kahit pa ibigay ang kaniyang buhay para rito.
Ang banayad na pag-ibig ay makapangyarihan at kumikilos sa ikabubuti ng minamahal. Kahit ang pinakamatigas na puso ay lalambot kapag ang kabanayaran ay umiiral.
May uri ng katigasang hindi mapapalambot ng karahasan. Sa puntong ito ng inyong buhay narealize ninyo sigurong minsan lalong tumitigas ang puso ng isang tao kapag pinipilit. Ngunit kung dama niyang siya ay safe, mas willing siyang mag-open ng kaniyang sarili.
Kung mamahalin natin ang ating mga asawa nang may kabanayaran, mas magtitiwala silang magbahagi ng kanilang mga isipan at buhay sa atin.
Panatilihin nating bukas ang linya ng komunikasyon sa pamamagitan ng daan ng kabanayaran.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment