G. R. A. C. E.

 


Grace- the most beautiful word in the world, in my opinion. But what is grace?

Grace is unmerited favor. If you grown up in a Bible church, marahil natandaan ninyo ang depinisyong ito since forever. Grace is the favor of God na binigay at pinakita sa akin even though hindi tayo deserving. 

Grace is everything that God did and gave on the basis of the Cross. Mula sa logistical support to keep us physically alive to everything that will help us mature spiritually, everything is provided in grace. Lahat ay libre because lahat ay dahil sa ginawa ni Cristo sa krus. 

Grace is God's Riches at Christ's Expense. I like that definition. Because of Christ's substitutionary sacrifice on the Cross, we have access to spiritual wealth and riches. 

Kung ikaw ay isang katulad ko na kailangang kumahig upang tumuka (you have to work for anything you need and want), ang mga ganitong pananalita ay too good but very, very true. 

The death of Christ is for everyone. Babae, lalake, mayaman o mahirap, may pinag-aralan o wala, Filipino man o ibang lahi- lahat ay may pakinabang sa kamatayan ni Cristo. Thanks to His sacrificial love, tayo ay may access sa grace of God. 

Aayawan mo pa ba ang biyayang made possible by Christ's death? 

Ano ang pumipigil sa iyo upang manampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan? 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Nangungulila sa isang Ama

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION