Welcome back!

 



Wednesday is Welcome Back! Not only welcome back to school (after a long vacation and suspension of classes), ngayon din umuwi si misis mula sa paghatid sa aking panganay na mag-aaral sa Manila. 

Welcome back! 

Sa nakaraang ilang araw na wala si misis, tahimik ang bahay. Kapag dalawang nonchalant na lalaki ang nagsama (na ang tanging common point of interest ay ML), asahang tahimik ang bahay, other than commands and requests. 

Sa kaniyang pagbabalik, magkakaroon ulit ng sigla at saya ang bahay. Mas sisigla at sasaya ito kung makauuwi si Naomi kapag school vacation or school break. 

May isa pang welcome back na masaya rin. Isang spiritual welcome back. Sa Lukas 15:11-32, we are privy to a grand welcome back party to a prodigal son who returns. 

Alam ninyo ang kwento. May dalawang mayaman at ang isa ay alibugha (if you ask me alibugha ang bunsong anak pero legalista naman ang panganay). Lumayo siya at dumaan ng paghihirap at bumalik, na umaamin ng kaniyang kasalanan sa ama. 

Hindi mahirap makita ang leksiyon na pwedeng makuha. Gaano ka man kalayo sa iyong kasalanan, mapa-Israelita man sa panahon ni Jesus o mananampalataya sa ating kapanahunan, ang daan pabalik ay nagsisimula sa pag-amin ng kasalanan. 

At ano ang attitude ng Ama sa langit sa ating pag-amin ng pagkakamasala? Gaya ng ama sa parabula, Siya ay welcoming and gracious. Nasa malayo pa siya, tanaw na siya ng ama at tumatakbong sumalubong, pisikal na larawan ng espirituwal na biyayang naghihintay sa mga bumabalik sa Ama. Hindi pa tapos na pagpahayag ng kasalanan, basa ang kaniyang intensiyong bumalik, ang mga kamay ng Ama ay bukas sa isang malaking "Welcome back!"

Anong kasalanan ang naglalayo sa iyo sa Ama? Anuman ang mga ito, kung ito ay iyong ipahayag (1 Juan 1:9), ang Ama ay handang magpatawad. 

Welcome back sa lahat ng mga Cristianong bumabalik sa Ama. Gaano man kalayo, ang daan pabalik ay isang hakbang lamang. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Nangungulila sa isang Ama

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION