Love your families

 


Lumisan nitong linggo si Dr. James Dobson. Hindi ako sang-ayon sa lahat ng kaniyang aral pero isang bagay ang kaniyang binibigyang diin at ako ay sang-ayon: mahalaga ang pamilya. 

Tanungin mo ang average Christian father at sasabihin nilang nagtatrabaho sila para sa kanilang pamilya. But ask the same Christian kung kailan ang huling beses na sila ay naupo sa iisang hapag para kumain o kung kailan sila huling nakapag-usap ng masinsinan o kailan sila huling nag-bonding, and that Christian will be like a deer na natutukan ng headlights.

Habang abala sa paghahanap-buhay at pag-angat sa posisyun, nakaligtaan nila ang dahilan kung bakit sila nagsisikap- ang mapagbuti ang pamilya!

Somewhere along the way, ang pera (at posisyun), euphemistically called "trabaho" ay naging substitute for family. 

Kaya hindi nakapagtatakang may mga gurong humuhugis ng kinabukasan ng mga kabataan ang may anak na bulabog. O mga pulis na nagpapanatili ng kapayapaan ngunit may anak na salot ng lipunan. O mga abugadong nagtatanggol ng mga naaapi ngunit may mga anak na kriminal.

Hindi natin nais na hiyain ang mga propesyonal at mga negosyante o sinasabing dapat maging tambay lang sa bahay ang mga magulang, ang sinasabi natin ay alalahanin mo lagi kung bakit ka nagsisikap. Kung ang pagsisikap ay para sa pamilya, i-priority mo ang pamilya, hindi ang trabaho. 

Sa ating paghahanap-buhay, sa ating pagnenegosyo, sa ating pagtatrabaho, alalahanin natin, bigyan lagi natin ng puwang, ang ating pamilya. 

Ang pag-aalaga ng pamilya ay hindi lamang pinansiyal na suporta. Kailangan ng pamilya ang emotional support, social support and most specially, spiritual support. 

Binigay ng Diyos sa iyo ang mga bata sapagkat ikaw ang Kaniyang katuwang upang palaguin ang pamilya spiritually. Ikaw ang Kaniyang katuwang upang ang mga bata ay maging kawangis ni Cristo. 

Ang bawat sandaling lumipas na napabayaan mo ang mga bata ay mga sayang na oras na hindi maibabalik. Nakapagtataka bang may mga anak na hindi marunong magkalinga sa kanilang mga magulang sa pagtanda? How can they? Wala silang modelong kinalakihan. Hindi nila alam ang ibig sabihin ng pagkalinga at pagmamalasakit. 

Mahalin natin ang ating mga pamilya. Bago ang barkada, bago ang co-worker, bago ang iba. Sila ay isang stewardship from the Lord. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Nangungulila sa isang Ama

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION