Trusting God's Plan because of who He is

 


Noong ako ay estudyante pa, isang blessing na makasama sa grupo ang pinakamahusay na estudyante sa klase. Anumang gawain ang ibigay ng guro, tiwala kang may estudyanteng mahusya mag-analisa at gumawa ng plano. Maaaring hindi ganap na maisagawa o maibigay ang hinihingi ng guro, pero isang confidence-booster ang may matalinong kagrupo. 

Imagine kung kagrupo mo hindi lamang ang pinakamatalinong tao sa uniberso kundi ang nag-iisang omnisyenteng Persona sa lahat ng level ng eksistensiya. Hindi ka ba magtitiwala sa Kaniya?

Kung ikaw ay mananampalataya kay Cristo, ikaw ay bahagi ng Pamilya ng Diyos. Ang Diyos ang Ama at gaya ng mabuting ama, ang Ama sa langit ay may plano para sa ikabubuti ng miyembro ng Kaniyang sambahayan. 

Ang ating bahagi bilang miyembro ng sambahayan ng Diyos ay magtiwala sa plano Niya para sa atin. Alam nating anumang elemento ng Kaniyang plano, kinukunsidera nito ang ating ikabubuti at Kaniyang ikaluluwalhati.

Bakit hindi tayo magtitiwala sa Kaniya? Siya ay pag-ibig, Siya ay hustisya at katuwiran, Siya ay omnisyente, omnipotente at omnipresente, Siya ay matuwid at Siya ay hindi nagbabago.

Anumang planong manggaling sa Kaniyang mga kamay ay resulta ng perpeksiyon ng Kaniyang katangian. 

Maaaring hindi natin nauunawaan ang kabuuan ng Kaniyang plano pero alam nating ito ang best para sa lahat. Walang planong hihigit pa rito.

Ang kailangan natin ay pananampalataya. This is not a leap into the dark. Ito ay persuasion na Siya ang best Architect at Engineer ng ating buhay. 

Ang ating mga plano pales in comparison sa Kaniyang plano. Trust that His plan is better than ours. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Nangungulila sa isang Ama

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION