Not lording over
1 Peter 5:3 [3]nor yet as lording it over those allotted to your charge, but proving to be examples to the flock.
A person can be sincere but sincerely wrong. And if he is in a leadership position, that wrong will be multiplied its damage.
Gaya nang sabi ni C. S. Lewis, a tyranny sincerely exercised for the good of its victims is the most oppressive. Why? Dahil inisiip mong wala kang ginagawang masama. Iniisip mo ang kapakanan ng iba.
Wala nga ba?
Siguro kung ikaw yung nasa position of power, wala kang makikitang masama. O kung ikaw ay nasasakupan pero sang-ayon ka sa programa, wala kang makikitang masama. But what if you think outside the box? What if hindi mo binili ang party line? What if hindi ka sold out sa metanarrative? What now?
Sure maaaring sincere ang lider pero ang nakatatakot sa tyranny ay hindi ang sincerity but ang katotohanang power corrupts and absolute power corrupts absolutely. At kung ang lider ay corrupt o walang maayos na value system, o kung ang kaniyang kaisipan ay nakabase sa maling ideolohiya (which for us Christians means any unbiblical/antibiblical system of thoughts), kawawa ang mga Cristiano.
Isang problema sa ganitong lordly na paraan ng pamumuno ay nilalagay ng tyrant ang kaniyang sarili bilang sole determiner of what is good. Knowing human nature, the good will be what he deems good, what is comfortable sa kaniya and whatever na nag-iingat ng kaniyang ego.
Let us not kid ourselves, sa ganitong sitwasyon, ang nasasakupan ay "victims." Wala silang karapatang mag-contribute sa kung ano ang makabubuti sa grupo.
It is oppressive dahil wala kang say sa nangyayari. Kung gusto mong mapanatili ang katahimikan at kapayapaan ng grupo, mananahimik ka na lamang, mag-a-adjust hanggang kaya, at kung hindi na, silently go away.
Sa atmosperang ito, walang paglago, walang kasiyahan, walang inobasyon. Everything runs based on the whims of the tyrant leader.
No wonder, pinaalalahanan ni Pedro ang mga co-elders niya, huwag mamanginoon sa kawan. Sa halip, ang matanda ang dapat maging alipin ng lahat.
Sa halip na tyrant leadership, ang dapat ipakita ay servant leadership. Sa halip na monopolya ng kapangyarihan, i-decentralize ito with servant leadership mindset at hindi micromanagerial tyrannical mindset.
Sa huli, ang sinumang lumalakad ba walang sumusunod ay hindi namumuno. Siya ay lumalakad lamang. At kung kailangan mong ipaalala minuminuto ang iyong posisyun, namumuno ka lang sa iyong isipan.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment