Home Misisonary

 



Tito 2:4 Upang kanilang maturuan ang mga babaing may kabataan na magsiibig sa kanikaniyang asawa, magsiibig sa kanilang mga anak, mangagpakahinahon, 5 Mangagpakahinahon, mangagpakalinis, mangagpakasipag sa bahay, magagandang-loob, pasakop sa kanikaniyang asawa, upang huwag lapastanganin ang salita ng Dios.

2 Timoteo 1:5 Na inaalaala ko ang pananampalatayang hindi pakunwari na nasa iyo; na namalagi muna kay Loida na iyong lelang, at kay Eunice na iyong ina; at, ako'y naniniwalang lubos, na nasa iyo rin naman.

Sa isang mundong maraming babaeng nagtatrabaho sa labas (at wala tayong tutol dito. Sa hirap ng buhay, tama lamang na magkatuwang ang mag-asawa sa paghahanap-buhay), isang lost art ang homemaking. Hindi nakapagtatakang may mga misis na mga mataas ang naabot sa kanilang karera ngunit hindi marunong magsaing (kahit pa sa rice cooker) at magprito ng isda. 

There's more to homemaking than cooking rice and frying fish. And seriously these are things that can be delegated to others if you can afford it. But there is one thing na hindi maidedelegate ng isang ina sa iba, at yun ay ang paghubog sa persona ng kaniyang anak sa larawan ni Cristo. 

Ang obligasyong ito ay ibinigay sa mag-asawa, lalong lalo na sa ama. Ang aking tindig ay ang ama ang pangunahing guro sa tahanan. Ngunit dahil ang blog na ito ay tungkol sa pagiging homemaker ng isang babae, tututukan natin ang babae bilang guro ng tahanan. 

Imagine ang kaguluhang manyayari kung ipagkatiwala mo ang edukasyon ng iyong mga anak, lalo na ang espirituwal na edukasyon, sa kamay ng iba. Bilang mga Cristiano tayo ay naniniwalang si Cristo ay Diyos at Tao sa iisang Persona (isang doktrinang tinatawag na Hypostatic Union ng mga teologo) at ang kaligtasan ay matatamo sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Cristo lamang. Imagine kung ang iyong anak ja ipinagkatiwala mo sa iba ay lumaking si Cristo ay tao lamang at ang kaligtasan ay kailangan ng gawa? Hahayaan mo bang mapahamak ang iyong anak dahil wala kang oras sa kaniya? 

Ito ay isa lamang sa mga problemang maaaring lumitaw. Tayo ang dapat humubog sa kanilang worldview at spiritual views. 

Nandiyan din ang katotohanang ini-encourage ng personal na pag-aasikaso sa anak ang pagiging malapit sa isa't isa. Kumakalat ngayon sa socmed ang isyu kung dapat bang suportahan ng mga anak ang kanilang magulang. Honestly ito ay isang tanong na hindi dapat maungkat sa Cristianong tahanan, 1 Tim 5. Nauungkat uto dahil sa perceived alienation sa pagitan ng parents at children. Most of the time mas malapit pa sa katulong ang mga bata. 

Ang Kawikaan 31 ay isang magandang tekstong dapat basahin ng isang nagsisimulang ina. Dito balanse ang pagtulong ng nanay sa tatay na kumita ng pera ngunit hindi napapabayaan ang pamilya. In fact, while you're at it, read the entire book of Proverbs. It is better than any family manuals. 

Marami ang minamaliit ang pagiging simpleng maybahay. Hindi raw naaabot ng mga ina ang kanilang highest potential. But what is higher than being the Lord's co-worker in nurturing children to grow in Christ-likeness. Hindi raw nila naaabot ang best para sa kanilang mga sarili. Ngunit ang best para sa isang tao ay kung ano ang best na nire-require ng Diyos, hindi ang expectations ng sanlibutan.

Do not be discouraged. Homemaking is an important ministry. In fact the most important of them all. In essence, mothers are the first and most important home missionaries. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 



(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Nangungulila sa isang Ama

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION