You are what you think
Filipos 4:8 Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito. 9 Ang mga bagay na inyong natutuhan at tinanggap at narinig at nakita sa akin, ang mga bagay na ito ang gawin ninyo: at ang Dios ng kapayapaan ay sasa inyo.
Garbage in, garbage out. Therefore, mag-ingat tayo sa ating mga inputs sa ating isipan dahil iyan ang ipoproseso ng ating kaluluwa. Alam na ninyo kung ano ang outputs.
Gaya nang inyong nalalaman, kung ano ang nasa puso, iyon ang lalabas sa bibig. Dahil diyan, ingatan natin ang ating mga puso, dito nagmumula ang mga isyu ng buhay.
Araw-araw tayo ay tumatanggap ng mga impormasyon mula sa ating kapaligiran. Obligasyon nating piliin kung anong uri ng impormasyong papasok sa ating isipan.
Kung hahayaan natin ang sanlibutang impluwensiyahan ang ating isipan, ang kulay ng ating kaluluwa ay magiging kakulay ng sanlibutan. Kung ang mga kaisipan ng Diyos ang laman ng ating isipan, ang kulay ng ating kaluluwa ay sasalamin sa kaisipang ito.
Pagsikapan nating busugin ang ating mga isipan ng Salita ng katotohanan. Ito ang tiyak na proteksiyon laban sa diablo, sa sanlibutan at sa laman.
Ayon kay Pablo, dapat nating ituon ang ating isipan sa mga "bagay na katotohanan, kagalanggalang, matuwid, malinis, kaibi-gibig, mabuting ulat, may kagalingan, may kapurihan." Ang mga ito ang dapat nating pagtuunan ng isipan.
Kung gagawin natin ito, ang resulta ay kapayapaan ng isipan. Less stress. Less problems.
Kung ang iyong isipan ay puro lamang tsismis o anumang basurang kaisipan, hindi mo mararanasan ang kapayapaang inaalok ng Diyos ng kapayapaan.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment