Do not be ignorant

 


2 Corinto 2:11 Upang huwag kaming malamangan ni Satanas: sapagka't kami ay hindi hangal sa kaniyang mga lalang.

Isa sa mga rules ng war ayon kay Napoleon ay be there first with the most number of man. In personal combat, be there first (control the situation) with the most number of tools (in all ranges). And if you're a wise hawk, hide your talons (element of secrecy and surprise).

Si Satanas ay excellent fighter both on the battlefield and on the ring. Mayroon siyang milenya upang hasain ang kaniyang skill set. Mayroon siyang milenya upang obserbahan ang humanity (katumbas ng panonood ng tapes ng laban ng katunggali) at magdebelop ng counter sa anumang ideya ng tao. Higit sa lahat mayroon siyang milenya upang madebelop ang art of deception.

Faints, jabs, footwork, set-ups- mga mahahalagang elemento ng combat. All things equal, ang deceptive ay mananalo. And on our own, we're not equal, but inferior, to Satan. We can't win on our own and we'll always fall to deception. 

Kung lalabanan natin ang espirituwal na buhay sa ating kapangyarihan, tayo ay mabibigo.

Pero don't despair. Mayroon tayong manual kung paano manalo sa espirituwal na buhay. It starts with realizing the spiritual war as a whole is already won. Ayaw ni Satanas na ma-realize mo iyan. Jesus won the spiritual war the Cross. What we're fighting are daily skirmishes na walang epekto sa overall result ng digmaan but opportunities to have a ribbon. 

You see Satan is a sour loser. Lalaban siya until the end kahit decided na ang laban. Ang kaniyang isipan ay if he won't win, he'll take as many as possible with him in his defeat. Unfortunately, may mga Cristianong nadadamay dito.

Ang sikreto upang mapagwagian natin ang espirituwal na digmaan at magkaroon ng mga ribbons ay nakasulat sa Biblia. In summary, it is by standing on Christ's victory. As long as we abide in Him, the gates of Hades will not prevail. The One inside us is greater than he that is the world.

Unfortunately maraming Cristianong nagbe-venture on their own energy. They operate on the power of the flesh. On one hand they're using the victory as a license to sin. Tulad sila ng mga sundalong inaabuso ang mga kalaban palibhasa nanalo na. These are licentious Christians, living it up, after all they're saved forever.

But on the other side of the spectrum ay ang mga legalista. They put airs and their nose over everyone else. Kumakapit sila sa relihiyon at sa self-righteousness upang maging bayani ng espirituwal na buhay. 

Both are distortions of the spiritual life. 

Ang tunay na espirituwal na buhay ay grace living in the power of the Spirit. Ito ay naisasapamuhay by abiding in Christ. It means intimately knowing the Word of God and applying it. It means not living based on our own ideas. 

Let us win this warfare and earn ribbons.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Nangungulila sa isang Ama

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION