Nang makaliskisan
Matthew 4:19 [19]And He said to them, "Follow Me, and I will make you fishers of men."
Isang madalas na biro kapag ang isang kapamilya ay nagkanobyo o nobya ay, "Kailan mo ipapakilala at nang makaliskisan." It is a good natured joke na nagnanais makilala ang sinisinta ng kapamilya.
Ngunit kung ang kasabihang ito ay i-import sa ating Cristianismo, hindi siya biro. Hindi siya nakatutuwa.
Tinawag ni Jesus ang Kaniyang mga apostol na maging mamalakaya ng tao, hindi ang mangaliskis o maglinis sa mga ito. May gawaing binigay sa kanila ngunit ang paglilinis ay gawaing si Cristo mismo ang gagawa.
Ang kaparehong set up ay para rin ngayon. Bilang mga Cristiano, tayo ay ambassador ni Cristo sa lahat ng mga nangangailangan ng mensahe ng buhay. Ang ating trabaho ay mamalakaya (magbahagi ng mensahe ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Cristo lamang) at ang Espiritu ang bahalang magbigay ng huli. Si Cristo ang maglilinis (magliligtas ng kaluluwa/buhay) sa pamamagitan ng Mentorship ng Espiritu sa paglago sa Salita; hindi natin trabaho ang maglinis ng kanilang mga buhay.
Sometimes, pinakikialaman natin ang trabaho ni Jesus kaya napapabayaan natin ang pamamalakaya. Sa halip na mag-focus sa pagbabahagi ng mabuting balita, abala tayo sa pag-point out sa kamalian ng iba, sa paghatol sa mga ito, at pag-enrol sa mga ito sa mga reformation/rehabilitation classes. Ang resulta ay pinturadong panlabas ngunit nangangamoy na panloob. Ang resulta ay isang relihiyonista, hindi isang disipulo.
Hindi natin trabahong baguhin ang tao. Ang trabaho natin ay ibahagi ang evangelio upang sila ay maligtas at kung ligtas na, ibahagi ang doktrina. Si Cristo (sa pamamagitan ng Espiritu Santo) ang bahalang maglinis (magbago ng buhay) sa kaniya.
Tayo ay mga ahente lamang upang magpasa ng naglilinis na Salita. Huwag nating i-usurp ang trabaho ni Cristo.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment