Marriage is a work that requires commitment
Madalas kong marinig na ang family ang marriage ay grace gifts from God. Isang malakas na Amen! Pero hindi ito nangangahulugang ito ay pasibong tatanggapin at hindi idedebelop.
Dahil sa overemphasis sa gracious nature ng justification salvation (we're saved by grace through faith alone in Christ alone apart from any works), may nagsasabing ang grace and works ay always incompatible. Iku-quote pa ang Roma 11:6.
Ngunit nakalilimutan nating samantalang totoong ang kaligtasan natin ay by grace at apart from works (Eph 2:8-9) at ang election ng (remnant of) Israel is also by grace apart from works, hindi totoong ang grace and works ay laging incompatible.
Case in point:
Tito 2:11 Sapagka't napakita ang biyaya ng Dios, na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao, 12 Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito; 13 Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo; 14 Na siyang nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin, upang tayo'y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at malinis niya sa kaniyang sarili ang bayang masikap sa mabubuting gawa, upang maging kaniyang sariling pag-aari.
Dito makikita nating ang biyaya ay nagtuturo ng kabanalan at mabubuting gawa.
Ganuon din sa pamilya. Even though a good wife is a grace gift from God (ask Solomon) and children are blessings form the Lord (ask David), hindi ito nangangahulugang pababayaan mo ang mga ito at wala kang gagawin.
And it is not pride ang naising mapabuti ang pamilya at ang ipagmalaki sa lahat ang ginawa ng Diyos para sa iyo. Si Joshua sa 24:15 ay nilagay ang kaniyang pamilya bilang halimbawang pwedeng sundin ng mga Israelita bilang alternatibo sa kinagisnan nilang idolatriya.
Ang dahilan kung bakit mahina ang Cristianong pamilya ay dahil hindi ito pinagdiriwang. Binili natin ang kasinungalingang kapag pinost natin sa FB na ang ating anak ay top one sa klase, tayo ay nagmamapuri. Dahil sa kawalan ng recognition, hindi narereinforce sa isip ng mga bata ang kahalagahan ng pag-excel. Instead ang natututunan niyang "hidden curriculum" ay masama ang ipagdiwang ang resulta ng aking efforts. Ito ay makasalanan. So next time, I will not excel.
Kahit ang Diyos ay nauunawaan ang reinforcement of behavior. Hindi ka marunong magbasa ng Biblia kung hindi mo mapansin na kapag ang Israel ay lumalayo sa Diyos, sila ay pinaparusahan (negative reinforcement) at kapag sila ay sumusunod, sila ay pinagpapala at pinagdiriwang (positive reinforcement).
Sa aking palagay, mas magiging malusog ang simbahan kung matututuhan ng mga Cristianong pamilya na ipagdiwang ang kanilang mga miyembro. Purihin sila kapag nag-e-excel. Sawayin kapag nalalayo ng daan. But always in love. And grace.
Contrary sa paniniwala ng ilan (na tila nagdududang anumang selebrasyon ay kasalanan), may mga positibong gamit ang pagmamapuri sa Kasulatan (isang buong serye ng blogs ang sinulat ko dito). Ang sinasaway ng Biblia ay ang pagmamapuring resulta ng arogansiya. Pero ang pagmamapuring resulta ng labis na kasiyahan o pagdiriwang sa excellence ng pinuri ay hindi kasalanan. Otherwise, paano magmamapuri si Pablo sa pananampalataya ng mga taga-Tesalonika?
For marriage to succeed it requires commitment. It may not feel like it at all times, but it is worth fighting for. At walang nakakahiya dito. Dapat itong i-celebrate. Ang simbahan ang numero unong dapat maging fan ng Christian families.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment