Huwag ilagay ang karwahe sa hulihan ng kabayo
Isa sa malungkot na aspeto ng ating mga Bible churches ay may mist sa pulpit na nagiging fog sa mga pews. Isa sa mga areang ito ay ang kaugnayan ng justification at sanctification.
Lahat ng nasa katinuan ay nais ang kabanalan. The need for sanctification is non-negotiable. Ang isyu ay ang relasyon nito sa justification.
Para sa mga works salvationists at Lordship salvationists ang justification becomes inseparable from justification. Kung ikaw ay walang kabanalan sa iyong buhay, either hindi ka ligtas o ang kaligtasan mo ay mawawala. It doesn't matter if upfront tinuturo mong kailangan ang gawa upang maligtas, o kung ang turo mo ay kaligtasan sa pananampalataya lamang pero kapag walang gawa ay hindi tunay ang pananampalataya, o kung ang turo mo ay ang kaligtasan sa pananampalataya ay nawawala kapag walang gawa, ang resulta ay iisa- may kalituhan sa justification at sanctification. Ang justification ay sanctification para sa mga relihiyonistang ito.
Bilang consistent Free Grace advocate, inaapirma natin ang kahalagahan ng sanctification. Hindi natin sinusuportahan ang pamumuhay sa kasalanan at kawalan ng katapatan sa buhay Cristiano. Ngunit pinanatili natin ang pagkakaiba ng justification at sanctification.
Ang justification ay instantaneous. Sa sandaling ikaw ay manampalataya kay Cristo, ikaw ay hinayag na matuwid. Wala itong lakip na gawa. Ito ay pananampalataya lamang kay Cristo lamang.
Ngunit pagkatapos mong ariing matuwid, ang katuwirang ito ay maipakikita sa matuwid na pamumuhay. Oo ang isang taong ligtas ay maaaring mamuhay sa kasalanan at hindi mawawala ang kaniyang kaligtasan. Ngunit kung hindi siya mamumuhay sa kabanalan, walang sinumang maniniwalang siya ay ligtas.
Ang layon ng pamumuhay sa kabanalan ay hindi bilang patunay na ikaw ay ligtas kundi upang maging testimonyo sa mga hindi mananampalataya. Makikita nila ang liwanag ng iyong ilawan sa gitna ng kadiliman at pupurihin nila ang Diyos nang dahil dito.
Ito ay may kaakibat na gawa sapagkat hindi nababasa ng mga unbelievers ang ating mga puso. Ang nakikita lang nila ay ang ating pamumuhay.
Ang Diyos ang magbibigay gantimpala sa mga Cristianong masikap na pinagpapaliwanag ang kanilang mga ilawan sa harap ng mga hindi mananampalataya.
Huwag nating pagbaligtarin ang dalawang ito. Ito ay magreresulta ng kaguluhan at kawalan ng katiyakan ng kaligtasan.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment