Posts

Showing posts from June, 2025

Kapag naging magkaribal ang simbahan at tahanan

Image
  Ang ganda ng librong ito. Maikli pero malaman. Mga minsan muli ko itong babasahin.  Isa sa mga kwentong nabasa ko rito ay nang minsang bisitahin niya ang isang simbahan. Doon ay buong pagmamalaking sinabi ng pastor kung gaano kahanda ang kaniyang simbahan sa pagtuturo ng Salita ng Diyos. Pinakita sa kaniya ang several years worth of sermon outlines. Pinakita rin ang iskedyul kung saan araw-araw, gabi-gabi ay may ganap sa simbahan. May singles, may couples, may married, may pambata, may pampamilya, may prayer meeting, may discipleship class, may leadership class, may choir practice, lahat na yata ng klase ng gawain. Mayroon siyang napansin - nasaan ang time para sa mga Cristianong pamilya na magsama-sama at magkaroon ng malalim na debosyon kay Cristo? Ginawang substitute ang simbahan sa banal na pamumuhay! In essence the church replaces the family! This is sad since the foundation of the church is its families. Mas healthy ang families na bumubuo sa church, mas malakas ang si...

Ang tunay na kabanalan ay hindi seremonya

Image
  Santiago 1:27 Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan. Paano ba ang Cristiano makapamumuhay nang may kabanalan sa gitna ng pagsubok? Nangangailangan itong maging tagapakinig at tagatupad ng Salita. Kung makikinig at tutuparin natin ang Salita, magkakaroon tayo ng espirituwal na metamorphosis na nagsisimula sa loob at nakikita sa labas.  Ang malungkot ay hindi ganito ang kumon na palagay ng mga tao. Iniisip ng marami, kahit sa mga Cristianong dapat ay mas nakakaalam, na ang kabanalan ay makikita sa seremonya, sa rito at ritwal. Sa mata ng marami, ang banal ay ang nakasuot ng tamang damit, may dala ng tamang Bible at regular na nagsisimba. Mayroon pang iniisip na ang kabanalan ay masusumpungan lamang sa simbahan kaya halos gusto na lang araw-araw ay nasa loob ng kapilya. May I make a suggestion? Kaya maraming...

Ang espirituwal ay hindi madakdak

Image
  Santiago 1:26 Kung ang sinoman ay nagiisip na siya'y relihioso samantalang hindi pinipigil ang kaniyang dila, kundi dinadaya ang kaniyang puso, ang relihion ng taong ito ay walang kabuluhan. Ano ang sukatan ng espirituwal o banal na Cristiano? Konserbatibo at pormal na pananamit? Pagkakaroon ng King James Bible? Regular na pagsisimba? Maraming memory verses? Kahusayang ipahayag ang paniniwala at debatehin ang paniniwala ng iba?  Wala sa mga ito, sagot ni Santiago. Ang praktikal na kabanalan ay makikita sa salita, sa gawa at sa pamumuhay. Sa v26 ang pokus natin ay pananalita.  And contrary sa paniniwala ng legalista, hindi ito tumutukoy sa pagkakaroon ng personal na listahan ng akma at hindi akmang salita. "Kung ang sinoman ay nagiisip na siya'y relihioso." Ang salitang relihiyoso ay tumutukoy sa panlabas na demonstrasyon ng panloob na kumbiksiyon. Hindi ito tumutukoy sa organisadong grupong dedikado sa isang paniniwala. Bilang mga Cristiano, ang ating debosyon ay ka...

Build, not destroy

Image
  2 Thessalonians 3:11 [11]For we hear that some among you are leading an undisciplined life, doing no work at all, but acting like busybodies. Madali silang makita- mga taong walang disiplina sa sarili, na sa halip na ginugugol ang oras sa makabuluhang gawain, gaya ng pagbuo sa sarili, ay ginagamit ang oras sa pagwasak ng iba. Unfortunate, maraming Cristianong pasok sa kategoriyang ito.  Maraming Cristianong sa halip na magpokus sa kaniyang sariling buhay ay mas interesadong makisawsaw sa buhay ng iba. Updated sila sa kasiraan ng iba habang nakalilimutang pokusan ang sariling improvement. Abala sila sa paghanap ng alingasaw ng pamilya ng iba, nalilimutan nilang asikasuhin ang sariling pamilya. Abala sa pagtuligsa sa iba at nalimutang ang kaniyang paa ay gawa sa luwad.  May I make a suggestion? Be so busy building yourself (both spiritually and physically) na wala kang time para siraan ang iba.  Sa halip na ikumpara ang iyong sarili sa iba (typically kinukumpara ang ...

Nakamamatay ang inggit

Image
  Siguro napapatanong kayo kung anong kasiyahan ang nagtutulak sa isang tao upang sirain ang kaniyang kapwa. Personally, napapagod akong makarinig ng ganitong uri ng tao. Lagi kong inaalalang kung kaya niyang sirain ang ibang tao sa aking harapan, magagawa niya rin akong sirain sa harapan ng iba. Kung kaya niyang ipamalita ang iba nang hindi nila alam, maipapamalita niya rin ako nang hindi ko nalalaman.  Linawin natin: Hindi magliliwanag ang sinag ng iyong ilawan kung iihipan mo ang kandila ng iba. Mananatiling madilim ang iyong ilawan (kung posible, baka mas lalo pang dumilim), at kung papatayin mo ang ilawan ng iba, pareho kayong maiiwan sa dilim.  But for some reason, we found satisfaction in destroying others. Tumataas ang ating kwelyo kapag ang iba ay may mas maraming kapintasan. Hindi natin nauunawaang ibinababa natin ang ating sarili sa putikan kapag pumulot tayo ng putik upang ipukol sa iba.  Pero paano kung matutunan nating itaas ang ating kapwa? What if hin...

Blessed and thankful

Image
  Kailan ka huling umupo sa gilid at taos-pusong nagpasalamat sa Diyos. Hopefully, sa araw na ito marami kang oportunidad para pasalamatan ang Diyos sa Kaniyang kabutihan at higit sa lahat sana ginamit mo ang bawat oportunidad na ito.  Sa mundong ang inisiip lamang ay paano maungusan ang iba at kung paano ma-maximize ang materyal na benepisyo, madalas na nalilimutan nating magpasalamat sa Diyos. Mas inuuna nating makipagbalyahan sa iba upang matamo ang inaakalang kasaganaan. Naipagpasalamat mo ba sa Diyos na ikaw ay buhay ngayon? Maraming nagsisikap na mabuhay ngunit inabot na ng tamang oras ng kamatayan. Mayroong nagnanais pang mabuhay ngunit nang matulog ay hindi na gumising. Maraming ibibigay ang anumang mayroon siya, minsan pang masilayan ang kaniyang mahal sa buhay. Ang buhay na bigay ng Diyos ay oportunidad para sa atin upang maranasan ang biyaya at pagpapala ng Diyos.  Naipagpasalamat mo ba sa Kaniyang may kalayaan tayong sambahin Siya at makipagtipon kasama ng mga...

Pagpapala sa tumutupad at hindi tagapakinig lamang

Image
  Santiago 1:25 Nguni't ang nagsisiyasat ng sakdal na kautusan, ang kautusan ng kalayaan, at nananatiling gayon, na hindi tagapakinig na lumilimot, kundi tagatupad na gumagawa, ay pagpapalain ang taong ito sa kaniyang ginagawa. Sa mga nakaraang blog nakita natin kung paanong ang Cristianong nahaharap sa mga pagsubok ng buhay ay dapat makinig at higit sa lahat ay tumupad sa Salita ng Diyos.  Ang taong nakikinig lamang ngunit walang aplikasyon ay dinadaya o nililinlang ang sarili. Isang bagay ang linlangin ang iba; ibang bagay ang linlangin ang sarili.  Sila ay kagaya ng mga taong nagsasalamin at nakikita ang kanilang mukha ng kapanganakan ngunit walang ginagawa tungkol dito. Bagama't alam nilang ang kanilang itsura ay nadudumihan anupa't natatakpan ang kanilang mana mula sa Ama, umaalis silang walang pagbabago sapagkat ang mahalaga ay nakarinig na ng Salita. Ang Salita ng Diyos ay walang iniiwang malalim na impluwensiya sa kanilang mga buhay.  "Nguni't ang nagsisiya...

A man of the Book and a man of books

Image
  Ang mga aklat ay tahimik na testigo sa pagnanais ng taong ingatan ang kaniyang karunungan. Sa pamamagitan ng mga ito, naipapasa ng tao ang kaniyang karanasan at natutunan sa susunod na henerasyon upang ang mga ito ang magpatuloy ng siklo ng kaalaman. Ang sunod na henerasyon ang magtatayo sa susunod na henerasyon ng bagong kaalaman.  Totoo ito sa sekular at espirituwal na aspeto. Ang mga naunang Cristiano ay tinala ang kanilang natutunan mula sa Biblia upang ang susunod na henerasyon ng mga Cristiano ang magdadala ng baton sa susunod namang henerasyon. Sa maalamat na lenggwahe ni Isaac Newton, malayo ang kaniyang nakita dahil nakatayo siya sa balikat ng mga higante. Ganuon din naman, utang natin ang ating kaalaman, sa mga konklusyon ng mga higante ng pananampalataya.  Maaaring hindi tayo ganap na sang-ayon sa kanilang mga konklusyon sa teolohiya, ngunit ang kanilang mga gawa ang ating starting point. Ibigay natin ang kredito sa kung kanino ito nararapat.  Ang tao ng...

Read and apply

Image
  Nabasa ang Biblia mula Genesis hanggang Pahayag- tsek. Regular na nagsisimba at dumadalo sa Bible studies - tsek. Nakikinig sa sermon nang hindi napapatulog-tsek.  Ina-apply ang napakinggan sa pang-araw-araw na pamumuhay - kung tayo ay tapat sa ating mga sarili, malamang ekis.  Maraming Cristianong makokonsensiya kapag nakalimutang basahin ang kanilang Biblia araw-araw. Hindi sila makokonsensiya kung wala itong aplikasyon sa buhay.  Puno tayo ng mga simbahang ang mga miyembro ay may kaalaman ng Biblia ngunit walang aplikasyon nito. Kaya nilang ikwento ang lahat ng mga stages ng prophecies ngunit hindi alam kung paano magtiwala sa Diyos ng kaniyang pangangailangan.  Mayroon tayong functional illiteracy. Yes literate sa Bible. Pero hindi functional. Nanatili lamang sa mga nota sa kwaderno.  Ngunit gaya ng lagi nating sinasabi, ang Salita ay dinesenyo upang baguhin ang buhay. Hindi ito dinesenyo upang itago lamang sa mga kwaderno. Kung tayo ay subo nang subo...

Nagmasid, umalis, lumimot

Image
  Santiago 1:24 Sapagka't minamasdan niya ang kaniyang sarili, at siya'y umaalis at pagdaka'y kaniyang nalilimutan kung ano siya. Sa v23-24 binigay ni Santiago ang ilustrasyon ng taong nakikinig ngunit hindi tumutupad sa Salita. Siya ay tulad ng taong tumitingin sa salamin ngunit hanggang tingin lamang. Wala siyang ginagawa upang aksiyonan ang kaniyang nakita.  Ganuon din may mga Cristianong nakikinig ng Salita ng Diyos ngunit hindi nila tinutupad. Ang kanilang natutunan ay matatagpuan lamang sa mga kwaderno ngunit walang aplikasyon ng mga ito.  "Sapagka't minamasdan niya ang kaniyang sarili, at siya'y umaalis at pagdaka'y kaniyang nalilimutan kung ano siya." Matapos makita ng tao ang kaniyang sarili, umaalis at nalilimutan ang kaniyang nakita. Ito ay isang akmang larawan ng nangyayari kada Linggo sa ating mga simbahan. Malalakas ang mga "Amen" kapag nagugustuhan ang mga punto ng sermon ngunit kapag labas ng kapilya, hindi na maalala ang leks...

Salamin, salamin

Image
  Santiago 1:23 Sapagka't kung ang sinoman ay tagapakinig ng salita at hindi tagatupad, ay katulad siya ng isang tao na tinitingnan ang kaniyang talagang mukha sa salamin. Naunang kinumpara ang Salita sa binhing namumunga. Ang bunga ng kalooban ng Diyos ay ang Cristiano mismo hindi gaya ng kasalanang nagbubunga ng kamatayan. Ngayon naman kinumpara ang Kasulatan sa salamin.  Mahalagang makinig ng Salita. Ngunit mahalaga ring tuparin o isagawa ang Salita. Ang nakikinig ngunit hindi sinasagawa ang Salita ay nililinlang o dinadaya ang sarili.  Kawawa ang self-deceived.  "Sapagka't kung ang sinoman ay tagapakinig ng salita at hindi tagatupad." Ang taong nakikinig lamang ng eksposisyon ng Biblia kapag Linggo ngunit hindi ito ginagamit mula Lunes hanggang Sabado ay katulad ng taong nananalamin ngunit walang ginagawa rito. Alam niya ang kaniyang itsura, alam niya ang dapat gawin ngunit hanggang tingin lamang. Wala siyang kapakinabangan sa impormasyong binigay ng salamin....

Happy Christians

Image
  For some reason, iniisip ng mga tao na kapag ikaw ay Bible Christian, ikaw ay KJ at hindi ngumingiti. Madalas kapag nagbabahagi kami ng evangelio, sasabihin ng aking kausap, hindi ako pwede maging Christian kasi... (insert ang kaniyang hobby).  Kailangan kong ipaliwanag na ang buhay na walang hanggang ay binibigay sa mga nanampalataya kay Cristo at hindi ang nag-iwan ng mga hobbies dahil sa ang mga ito ay "karnal." Maaaring karnal naman talaga ang mga ito, pero ang pag-iwan sa mga ito ay hindi magbibigay ng buhay na walang hanggan. Maaaring mapabuti ng pag-iwag ito ang pang-araw-araw na buhay, pero hindi ito magbibigay ng buhay na walang hanggan.  May nag-aakalang boring ang maging Cristiano. Walang katapusang Bible studies prayers at witnessing. Bawal maging masaya. Bawal ang hobbies na walang kinalaman sa simbahan. Bawal ang magsuot ng usong damit. Bawal mamasyal.  That is not true. Partly why nagpopost ako ng aming pagkain sa labas at pagwe-weights, ng aking mga...

Tagapakinig at Tagatupad

Image
  Santiago 1:22 Datapuwa't maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili. Upang maharap natin ang pagsubok ng buhay kailangan natin ng karunungan. Ang karunungang mula sa Diyos ay nanggagaling sa pakikinig at pagtupad ng Salita ng Diyos.  Hindi sapat ang regular na pakikinig ng Salita. Ang Salitang narinig ay kailangang maitago sa puso at magamit sa araw-araw na pamumuhay.  Upang maunawaan ang Salita, kailangan itong tanggapin nang may kaamuan. Kailangan itong tanggapin nang malinis ang puso mula sa kasalanan. Dahil dito nagkukumpisal tayo bago mag-aral ng Salita ng Diyos.  "Datapuwa't maging tagatupad kayo ng salita." Hindi lamang tayo regular na nakikinig ng Salita. Kailangan din nating maging regular na tagatupad nito. Gaano man kahalaga ang pag-aaral ng Salita, hindi ito ang end goal, instead ito ay pasimula lamang with the goal of developing wisdom to apply in life.  "At huwag tagapakinig lamang." Mah...

Paano Itayo ang Buhay sa Salita ng Diyos

Image
  Sa mga nakaraang araw nakita natin ang kahalagahan ng pagtayo ng buhay sa Salita ng Diyos at ang panganib ng pamumuhay sa sariling karunungan. Nakita natin kung paano ang Salita ng Diyos ay gabay sa pang-araw-araw na desisyon. Ngunit paano ba tayo makapagtatayo ng ating buhay sa Salita ng Diyos? Una, maglaan ng oras araw-araw – kahit kaunti, basta’t tuloy-tuloy. Marami ang nagsasabing wala silang oras o walang panahon. Ngunit ang totoo ay bawat isa sa atin ay may 24 oras. Sabihin nating 8 oras kang natutulog at 8 oras sa trabaho, may 8 oras kang pwedeng hatiin sa gawaing bahay, paglilibang at pag-aaral ng Salita. Ang oras na ating nilalaan sa pag-aaral ng Diyos ay nagpapakita ng prioridad sa ating buhay. Pinapakita nito ang ating scale of values o timbangan ng pagpapahalaga. Mag-aral, huwag lang magbasa. Magtanong: Ano ang sinasabi nito? Ano ang kahulugan? Ano ang dapat kong gawin? Ang Salita ng Diyos ay sinulat na may historikal na konteksto at dapat sangguniin ito sa matagumpay...

Ihiwalay at tumanggap

Image
  Santiago 1:21 Kaya't ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa. Sa liwanag ng katotohanang ang galit ng tao ay hindi makagagawa ng katuwiran ng Diyos, paano tayo magiging matuwid kapag nahaharap ng pagsubok?  Kailangan tayong maliksi sa pakikinig ng Salita ng Diyos, makupad sa pagsasalita kapag tinuturo ang Salita at makupad sa pagkagalit kapag tinatamaan ng Salita.  Paano natin matatanggap ang Salita? "Kaya't ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan." Negatively, upang matanggap natin ang Salita ng Diyos, kailangan nating ihiwalay o hubarin ang lahat ng karumihan at pag-apaw ng kasamaan. Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating magkumpisal ng kasalanan bago mag-aral ng Biblia. Nililinis natin ang ating sarili ng mga karumihang ating napupulot sa paglakad sa buhay. "At tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang i...

Ang Salita ang Nagpapalakas at Gumagabay

Image
  Awit 119:105 Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas. Sa mga nakaraang blogs tiningnan natin kung paanong ang Salita ng Diyos ay nagbibigay ng katatagan. Nakita nating ang bahay na nakatayo sa bato (ang buhay na nakatayo sa Salita ng Diyos) ay hindi bibigay sa harap ng mga unos ng buhay. Nakita rin natin ang panganib ng buhay na hindi nakatayo sa Salita ng Diyos.  Ipagpatuloy natin. Sa Awit 119:105, makikita nating ang Salita ay tanglaw sa paglakad. Ito ang tiyak na gabay sa pamumuhay ng kabanalan at kasiyahan.  Nagbibigay linaw ang Biblia sa oras ng pagkalito. May mga pagkakataong nalilito tayo sa kung ano ang dapat gawin. Ang Biblia ay magbibigay ng moral na gabay na dapat nating lakaran. Anumang sinasabi nito ay dapat nating sundin at ang mga bagay na pinagbabawal ay dapat nating iwasan. Anumang bagay na hindi nito nababanggit, ay malaya tayong magdesisyon ayon sa karunungang taglay natin.  Pinapalakas nito ang ating panloob na buhay ...

Walang katuwiran sa magagalitin

Image
Santiago 1:20 Sapagka't ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios. Sa v19 sinulat ni Santiago ang tamang response kapag nasa gitna ng pagsubok: maliksi sa pakikinig, makupad sa pananalita at makupad sa pagkagalit. Ang nakalulungkot ay kadalasan, baligtad ang ating natural na reaksiyon. Tayo ay madaling magalit, madaling magsalita at madalas hindi nakikinig. Mas interesado tayo sa ating nararamdaman kaysa sa unawain ang tunay na isyu. Maraming Cristiano ang lumalakad sa emosyon. Mas interesadong iboses ang kaniyang iniisip kaysa sa makipag-ayos at hanapin ang kapayapaan. No wonder na tinawag na mapalad ang gumagawa ng kapayapaan - hindi lahat ng Cristiano ay kapable nito.  Sa v20 sinabi ang dahilan: "Sapagka't ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios." Wala pa akong kilalang magagalitin na gumagawa ng katuwiran ng Diyos. Oo may dibinong galit laban sa kasalanan ngunit ang tinutukoy ni Santiago ay galit ng tao. Galit na nagmumula sa taong ay...

Ang Panganib ng Pagpapabaya sa Salita

Image
  Mateo 7:26 At ang bawa't dumirinig ng aking mga salitang ito at hindi ginaganap, ay matutulad sa isang taong mangmang, na itinayo ang kaniyang bahay sa buhanginan:27 At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at nabagsak: at kakilakilabot ang kaniyang pagkabagsak. Ang tao ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Cristo lamang, Ef 2:8-9; Gawa 16:31; Juan 3:16. Hindi niya kailangang pagtrabahuhan ang libreng ibinigay ng Diyos sa sinumang mananampalataya. Pagkatapos niyang maligtas, siya ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang nakalulungkot na bagay ay marami ang naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya ngunit sinisikap na mabuhay sa pamamagitan ng legalismo. Ang mas malungkot ay may ginagamit ang eternal na seguridad bilang lisensiya sa kasalanan at namumuhay ng buhay na walang pagkakaiba sa hindi mananampalataya. Mababaw kung mayroon man ang kaniyang buhay bilang mananampalataya.  Ang mababaw na pan...

Nalalaman mo ba ito?

Image
  Santiago 1:19 Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Nguni't magmaliksi ang bawa't tao sa pakikinig, magmakupad sa pananalita, magmakupad sa pagkagalit. "Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid." Ano ang nalalaman ng mga Cristiano? Ang katotohanang ang pakikinig sa tukso ng masamang pita ay nagreresulta sa kasalanan at ito ay namumunga ng kamatayan. Ang katotohanang ang kalooban ng Diyos ay nagbubunga ng mga Cristiano nang sila ay makinig at sumampalataya sa Salita ng katotohanan. Sa bawat hakbang, sila ay laging nahaharap sa desisyon - makikinig sa tukso ng pita ng laman o pasasakop sa kalooban ng Diyos.  Considering na ang mga Cristiano ay ipinanganak nang dahil sa kalooban ng Diyos, hindi ba dapat lang na kumilos sila sa kaloobang ito?  "Nguni't magmaliksi ang bawa't tao sa pakikinig." Sa liwanag ng kaalamang ito, ano ang dapat gawin ng isang Cristianong nahaharap sa pagsubok? Una siya ay dapat maging maliksi sa pakikinig. Ang ...

Applause of Men =/= Approval of God

Image
  Galatia 1:10 Sapagka't ako baga'y nanghihikayat ngayon sa mga tao o sa Dios? o ako baga'y nagsisikap na magbigay-lugod sa mga tao? kung ako'y magbibigay-lugod pa sa mga tao, ay hindi ako magiging alipin ni Cristo. Efeso 6:6 Hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao; kundi bagkus gaya ng mga alipin ni Cristo, na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Dios. Colosas 3:22 Mga alipin, magsitalima kayo sa lahat ng mga bagay sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon: hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa katapatan ng puso, na mangatakot sa Panginoon. Juan 7:13 Gayon man ay walang taong nagsasalita ng hayag tungkol sa kaniya dahil sa takot sa mga Judio. Juan 19:38 At pagkatapos ng mga bagay na ito si Jose na taga Arimatea, palibhasa'y alagad ni Jesus, bagama't lihim dahil sa katakutan sa mga Judio... Given ang maraming sitas sa Kasulatan kung saan ang isang tao ay kailangang mamili...