Nagmasid, umalis, lumimot

 


Santiago 1:24 Sapagka't minamasdan niya ang kaniyang sarili, at siya'y umaalis at pagdaka'y kaniyang nalilimutan kung ano siya.

Sa v23-24 binigay ni Santiago ang ilustrasyon ng taong nakikinig ngunit hindi tumutupad sa Salita. Siya ay tulad ng taong tumitingin sa salamin ngunit hanggang tingin lamang. Wala siyang ginagawa upang aksiyonan ang kaniyang nakita. 

Ganuon din may mga Cristianong nakikinig ng Salita ng Diyos ngunit hindi nila tinutupad. Ang kanilang natutunan ay matatagpuan lamang sa mga kwaderno ngunit walang aplikasyon ng mga ito. 

"Sapagka't minamasdan niya ang kaniyang sarili, at siya'y umaalis at pagdaka'y kaniyang nalilimutan kung ano siya." Matapos makita ng tao ang kaniyang sarili, umaalis at nalilimutan ang kaniyang nakita. Ito ay isang akmang larawan ng nangyayari kada Linggo sa ating mga simbahan. Malalakas ang mga "Amen" kapag nagugustuhan ang mga punto ng sermon ngunit kapag labas ng kapilya, hindi na maalala ang leksiyon. Sa susunod na Linggo na mabubuksan ang mga kwaderno at Biblia. 

Nakakabahala na maraming Cristianong kayang ikuwento nang buo ang pangunahing pangyayari sa paboritong teleserye ngunit hindi maisumaryo ang huling sermong napakinggan. 

Nakababahalang kayang pangalanan ng maraming Cristiano ang mga miyembro ng paboritong Kpop o Ppop group ngunit hindi ang mga awtor ng Kasulatan. 

Mayroon tayong problema ng functional illiteracy. Literate tayo sa Biblia. Wala nga lang aplikasyon. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama