Read and apply

 


Nabasa ang Biblia mula Genesis hanggang Pahayag- tsek.

Regular na nagsisimba at dumadalo sa Bible studies - tsek.

Nakikinig sa sermon nang hindi napapatulog-tsek. 

Ina-apply ang napakinggan sa pang-araw-araw na pamumuhay - kung tayo ay tapat sa ating mga sarili, malamang ekis. 

Maraming Cristianong makokonsensiya kapag nakalimutang basahin ang kanilang Biblia araw-araw. Hindi sila makokonsensiya kung wala itong aplikasyon sa buhay. 

Puno tayo ng mga simbahang ang mga miyembro ay may kaalaman ng Biblia ngunit walang aplikasyon nito. Kaya nilang ikwento ang lahat ng mga stages ng prophecies ngunit hindi alam kung paano magtiwala sa Diyos ng kaniyang pangangailangan. 

Mayroon tayong functional illiteracy. Yes literate sa Bible. Pero hindi functional. Nanatili lamang sa mga nota sa kwaderno. 

Ngunit gaya ng lagi nating sinasabi, ang Salita ay dinesenyo upang baguhin ang buhay. Hindi ito dinesenyo upang itago lamang sa mga kwaderno.

Kung tayo ay subo nang subo nang hindi ngumunguya ng pagkain, wala tayong makukuhang pakinabang sa ating kinakain. Magugutom ang ating katawan dahil hindi nito nakukuha ang kinakailangang nutrisyon. 

Gayon din kung tayo ay nakikinig nang nakikinig nang walang panahon upang pagnilayan at i-apply ang natutunan, tayo ay magugutom espirituwal. Hindi natin pakikinabangan ang ating napakinggan. Pag dating ng unos ng buhay, wala tayong magagamit upang harapin ito. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama