Ihiwalay at tumanggap
Santiago 1:21 Kaya't ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa.
Sa liwanag ng katotohanang ang galit ng tao ay hindi makagagawa ng katuwiran ng Diyos, paano tayo magiging matuwid kapag nahaharap ng pagsubok?
Kailangan tayong maliksi sa pakikinig ng Salita ng Diyos, makupad sa pagsasalita kapag tinuturo ang Salita at makupad sa pagkagalit kapag tinatamaan ng Salita.
Paano natin matatanggap ang Salita?
"Kaya't ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan." Negatively, upang matanggap natin ang Salita ng Diyos, kailangan nating ihiwalay o hubarin ang lahat ng karumihan at pag-apaw ng kasamaan. Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating magkumpisal ng kasalanan bago mag-aral ng Biblia. Nililinis natin ang ating sarili ng mga karumihang ating napupulot sa paglakad sa buhay.
"At tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa." Positively kailangan nating tanggapin ang Kasulatan nang may kaamuan. Hindi tayo dapat magalit kapag tayo ay nakaririnig ng Salitang tila laban sa ating paniniwala o pagpapahalaga. Ang kaamuan ay nagsasabing, "Mali ako at tama ang Salita ng Diyos. Handa akong makinig at matuto." Ang Salitang ito na natutunan ay makapagliligtas sa kaluluwa o sa buhay. Hindi ito kaligtasan mula sa impiyerno sapagkat ang mga sinulatan ni Santiago ay ligtas na. Ito ay kaligtasan mula sa impluwensiya ng sanlibutan.
Kung hindi tayo mag-aaral ng Salita, maaaring tayo ay pupuntang langit ngunit ang kaluluwa o buhay natin ay natatanikalaan ng mga pagpapahalaga ng sanlibutang ito. Kaya ang ating paniniwala at pagpapahalaga ay indistinguishable from unbelievers. Kailangan nating lumaya sa mga maling ideyang ito.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment