Ang Salita ang Nagpapalakas at Gumagabay
Awit 119:105 Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.
Sa mga nakaraang blogs tiningnan natin kung paanong ang Salita ng Diyos ay nagbibigay ng katatagan. Nakita nating ang bahay na nakatayo sa bato (ang buhay na nakatayo sa Salita ng Diyos) ay hindi bibigay sa harap ng mga unos ng buhay. Nakita rin natin ang panganib ng buhay na hindi nakatayo sa Salita ng Diyos.
Ipagpatuloy natin. Sa Awit 119:105, makikita nating ang Salita ay tanglaw sa paglakad. Ito ang tiyak na gabay sa pamumuhay ng kabanalan at kasiyahan.
Nagbibigay linaw ang Biblia sa oras ng pagkalito. May mga pagkakataong nalilito tayo sa kung ano ang dapat gawin. Ang Biblia ay magbibigay ng moral na gabay na dapat nating lakaran. Anumang sinasabi nito ay dapat nating sundin at ang mga bagay na pinagbabawal ay dapat nating iwasan. Anumang bagay na hindi nito nababanggit, ay malaya tayong magdesisyon ayon sa karunungang taglay natin.
Pinapalakas nito ang ating panloob na buhay kapag magulo ang panlabas. Anumang problemang ekonomiko o sosyal na ating hinaharap, ang Salita ng Diyos ay tonikong nagbibigay sa atin ng lakas.
Tinuturuan tayong marinig ang tinig ng Diyos sa gitna ng ingay ng mundo. Madalas ang sanlibutan ay nilulunod tayo ng kaniyang mga pagpapahalaga. Ang Salita ng Diyos ang timig na nagbibigay ng katahimikan.
Ayon sa Hebreo 4:12: “Sapagkat ang salita ng Diyos ay buhay at mabisa...” Ito ay epektibong sandata laban sa mga unos ng buhay.
Sa liwanag ng nga katotohanang ito, ituring ang Biblia na pagkain ng kaluluwa — hindi lamang isang aklat na pampalipas-oras.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment