Nakamamatay ang inggit

 


Siguro napapatanong kayo kung anong kasiyahan ang nagtutulak sa isang tao upang sirain ang kaniyang kapwa. Personally, napapagod akong makarinig ng ganitong uri ng tao. Lagi kong inaalalang kung kaya niyang sirain ang ibang tao sa aking harapan, magagawa niya rin akong sirain sa harapan ng iba. Kung kaya niyang ipamalita ang iba nang hindi nila alam, maipapamalita niya rin ako nang hindi ko nalalaman. 

Linawin natin: Hindi magliliwanag ang sinag ng iyong ilawan kung iihipan mo ang kandila ng iba. Mananatiling madilim ang iyong ilawan (kung posible, baka mas lalo pang dumilim), at kung papatayin mo ang ilawan ng iba, pareho kayong maiiwan sa dilim. 

But for some reason, we found satisfaction in destroying others. Tumataas ang ating kwelyo kapag ang iba ay may mas maraming kapintasan. Hindi natin nauunawaang ibinababa natin ang ating sarili sa putikan kapag pumulot tayo ng putik upang ipukol sa iba. 

Pero paano kung matutunan nating itaas ang ating kapwa? What if hindi tayo nagpapadala sa selos at inggit kundi magkaroon ng tunay na kasiyahang ang iba ay umuunlad? Hindi ba mababawasan ang ating mga ulcer at mahimbing at tahimik tayong makatutulog kapag gabi? 

Panahon na upang i-normalize natin ang kabaitan. Sa batuhan ng putik, walang panalo. Tanging mantsadong pagkatao at marungis na konsensiya. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama