Ang espirituwal ay hindi madakdak

 


Santiago 1:26 Kung ang sinoman ay nagiisip na siya'y relihioso samantalang hindi pinipigil ang kaniyang dila, kundi dinadaya ang kaniyang puso, ang relihion ng taong ito ay walang kabuluhan.

Ano ang sukatan ng espirituwal o banal na Cristiano? Konserbatibo at pormal na pananamit? Pagkakaroon ng King James Bible? Regular na pagsisimba? Maraming memory verses? Kahusayang ipahayag ang paniniwala at debatehin ang paniniwala ng iba? 

Wala sa mga ito, sagot ni Santiago. Ang praktikal na kabanalan ay makikita sa salita, sa gawa at sa pamumuhay. Sa v26 ang pokus natin ay pananalita. 

And contrary sa paniniwala ng legalista, hindi ito tumutukoy sa pagkakaroon ng personal na listahan ng akma at hindi akmang salita.

"Kung ang sinoman ay nagiisip na siya'y relihioso." Ang salitang relihiyoso ay tumutukoy sa panlabas na demonstrasyon ng panloob na kumbiksiyon. Hindi ito tumutukoy sa organisadong grupong dedikado sa isang paniniwala. Bilang mga Cristiano, ang ating debosyon ay kay Cristo. Ang pagiging relihiyoso ay ang Cristianong nakikita sa gawa at salita ang kaniyang debosyon kay Cristo. Hindi ito seremonya, rito at ritwal o pag-anib sa isang denominasyon. 

"Samantalang hindi pinipigil ang kaniyang dila." Napakaraming kasalanan ng dila kasama na ang pagiging tsismoso, pala-alimura ng kapwa, paninirang-puri atbp na hindi mo kailangang maging iskolar ng Biblia upang matantong maraming Cristianong hulog sa puntong ito. Sa halip na lenggwahe ng biyaya (magbahagi ng biyaya), ang ating mga dila ay behikulo ng kasamaan (tingnan ang kabanata 3). Ang tunay na espirituwal ay marunong magpigil ng dila. Ang dila ay sinasalita ang tinatago ng puso at ang taong mabilis magsalita ay taong hindi nagninilay sa kaniyang puso. 

"Kundi dinadaya ang kaniyang puso." Ang sinumang nag-aakalang siya ay espirituwal ngunit hindi makontrol ang dila ay nililinlang ang sarili. Iyan ang pagkakamali ng legalista ng Lukas 18. Inaakala niyang siya ay espirituwal dahil marami siyang maituturong gawa (in modern equivalent, nagtuturo sa pulpito, nagle-lead ng prayer meeting, nagle-lead ng evangelism at Cathechism, atbp) at malinaw niyang nakikita ang kakulangan ng iba (hindi nagsisimba, hindi nag-aabuloy atbp). Ngunit nalimutan niyang pigilan ang kaniyang dila at sa pagbuka nito, malinaw ang laman ng kaniyang puso: espiritu ng paghatol sa halip na oriyentasyon sa biyaya. 

"Ang relihion ng taong ito ay walang kabuluhan." Walang kahulugan, walang saysay, walang kabuluhan- masakit pero ito ang dibinong ebalwasyon sa mga taong ang relihiyon ay hindi mula sa loob kundi galing sa labas. Ito ay nagpapaalala sa atin sa konklusyon ni Solomon - ang pamumuhay sa ilalim ng araw (walang dibinong perspektibo) ay walang kabuluhan, kabilang na ang ating mga "relihiyosong gawa." Mag-invest tayo sa mga may eternal spiritual values. Simulan natin sa pagkontrol ng dila. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama