Kapag naging magkaribal ang simbahan at tahanan
Ang ganda ng librong ito. Maikli pero malaman. Mga minsan muli ko itong babasahin.
Isa sa mga kwentong nabasa ko rito ay nang minsang bisitahin niya ang isang simbahan. Doon ay buong pagmamalaking sinabi ng pastor kung gaano kahanda ang kaniyang simbahan sa pagtuturo ng Salita ng Diyos. Pinakita sa kaniya ang several years worth of sermon outlines. Pinakita rin ang iskedyul kung saan araw-araw, gabi-gabi ay may ganap sa simbahan. May singles, may couples, may married, may pambata, may pampamilya, may prayer meeting, may discipleship class, may leadership class, may choir practice, lahat na yata ng klase ng gawain. Mayroon siyang napansin - nasaan ang time para sa mga Cristianong pamilya na magsama-sama at magkaroon ng malalim na debosyon kay Cristo? Ginawang substitute ang simbahan sa banal na pamumuhay! In essence the church replaces the family!
This is sad since the foundation of the church is its families. Mas healthy ang families na bumubuo sa church, mas malakas ang simbahan. Sa sandaling i-usurp ng simbahan ang role ng family na hubugin ang Cristiano to live for Christ, we have a problem Houston. The church and the family are meant to work together, not be rivals for the believer's attention!
Bakit nangyari ito? Partly because the family forget its role in edifying its members. Ang obligasyong hugisin ang pamilya into maturity ay nasa kamay ng pamilya, hindi ng simbahan, Ef 6; Deut 6). Trabaho ng head of the family na ituro sa pamilya ang mga aral at pagpapahalaga na natutunan sa simbahan. Siya, hindi ang pastor, ang dapat na tumayong ama ng tahanan.
Ngunit kung bigo ang Cristianong ama na gawin ito, ang simbahan ay nagiging panakip butas. Sa halip na isapamuhay ang kabanalan, o tunay na relihiyon ayon kay Santiago, ang substitute ay punuin ang buhay ng mga seremonya, rito at ritwal. Madalas nasa simbahan sa halip na nasa bahay kung saan ang pamilya ay magiging ilaw sa simbahan.
Tayo ay tinawagan upang maging ilawan sa ating mga komunidad. Hindi ito mangyayari kung ang ating Cristianismo ay isinasabuhay sa simbahan at hindi sa bahay. Tayo ay dapat maging mga streetlights na tanglaw sa dilim, at hindi chandelier na palamuti sa simbahan.
Huwag nating gawing pamalit ang simbahan sa banal na pamumuhay.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment