A man of the Book and a man of books

 


Ang mga aklat ay tahimik na testigo sa pagnanais ng taong ingatan ang kaniyang karunungan. Sa pamamagitan ng mga ito, naipapasa ng tao ang kaniyang karanasan at natutunan sa susunod na henerasyon upang ang mga ito ang magpatuloy ng siklo ng kaalaman. Ang sunod na henerasyon ang magtatayo sa susunod na henerasyon ng bagong kaalaman. 

Totoo ito sa sekular at espirituwal na aspeto. Ang mga naunang Cristiano ay tinala ang kanilang natutunan mula sa Biblia upang ang susunod na henerasyon ng mga Cristiano ang magdadala ng baton sa susunod namang henerasyon. Sa maalamat na lenggwahe ni Isaac Newton, malayo ang kaniyang nakita dahil nakatayo siya sa balikat ng mga higante. Ganuon din naman, utang natin ang ating kaalaman, sa mga konklusyon ng mga higante ng pananampalataya. 

Maaaring hindi tayo ganap na sang-ayon sa kanilang mga konklusyon sa teolohiya, ngunit ang kanilang mga gawa ang ating starting point. Ibigay natin ang kredito sa kung kanino ito nararapat. 

Ang tao ng Diyos ay dapat maging lalaki ng mga aklat, mga aklat na kapaki-pakinabang at nakatataas ng antas ng kaalaman. 

Ganuon pa man, ang konklusyon ng tao ay hindi pampalit o substitute sa pamilyaridad sa mismong Salita ng Diyos. Maging ang mga taga-Berea, na mapalad na nakarinig mula sa bibig ng Apostol Pablo, ay direktang sinisiyasat ang Kasulatan upang tiyaking totoo at tama ang kaniyang sinasabi. 

Sa ganitong bagay, ang tao ng Diyos ay dapat maging lalaki ng Aklat. Mayroon lamang isang Aklat- at iyan ay ang Biblia. 

Bilang mga lingkod ng buhay na Diyos, mahalaga sa atin ang pamilyaridad sa Banal na Aklat. Hindi mapapalitan ng kasipagan, kaliksihan at katapatan ang kaalaman ng Salita ng Diyos. Maaaring ikaw ay tapat na lingkod ngunit kung hindi mo alam ang detalye ng iyong paglilingkod, maglilingkod ka sa kamalian at imi-misrepresenta ang iyong Panginoon. 

Basahin at aralin natin ang mga aklat ng tao ngunit mas dapat nating basahin at aralin ang Aklat ng Diyos. Ang tao ng Diyos ay dapat maging lalaki ng Aklat at lalaki ng mga aklat. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama