Galatia 1:10 Sapagka't ako baga'y nanghihikayat ngayon sa mga tao o sa Dios? o ako baga'y nagsisikap na magbigay-lugod sa mga tao? kung ako'y magbibigay-lugod pa sa mga tao, ay hindi ako magiging alipin ni Cristo.
Efeso 6:6 Hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao; kundi bagkus gaya ng mga alipin ni Cristo, na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Dios.
Colosas 3:22 Mga alipin, magsitalima kayo sa lahat ng mga bagay sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon: hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa katapatan ng puso, na mangatakot sa Panginoon.
Juan 7:13 Gayon man ay walang taong nagsasalita ng hayag tungkol sa kaniya dahil sa takot sa mga Judio.
Juan 19:38 At pagkatapos ng mga bagay na ito si Jose na taga Arimatea, palibhasa'y alagad ni Jesus, bagama't lihim dahil sa katakutan sa mga Judio...
Given ang maraming sitas sa Kasulatan kung saan ang isang tao ay kailangang mamili sa aprubal ng (o pagkatakot sa) tao, masasabi nating ang isyung ito ay kasintanda ng mga apostol. Maraming Cristianong ang paglilingkod ay apektado ng opinyon ng tao. Samakatuwid ang kanilang paglilingkod ay nakabase sa tao sa halip na sa Diyos.
Sa isang banda, may mga Cristianong naglilingkod upang makuha ang aprubal o pagsang-ayon ng tao. Naglilingkod sila upang pasiyahin ang mga tao. Gusto nila ng mga papuri. Gusto nilang laging nasa sentro ng atensiyon. Ayaw nilang pang- behind the scene lamang.
Ang Mateo 6 ay isang mahabang diskurso na nagsasabing ang sinumang naglilingkod upang makita ng mga tao ay walang matatamong gantimpala mula sa Diyos. Ang kaniyang inaasam na papuri mula sa tao ang kaniyang gantimpala, which is a very poor substitute from God's "Well done, good and faithful servant." After all, ang Diyos ay nangako ng mga gantimpala sa tapat na maglilingkod, even if unpopular.
Sa isang banda, may mga Cristianong hindi makapaglingkod dahil sa takot sa tao. Si Jose ng Arimatea, bagama't sa bandang huli ay nagapi ang kaniyang takot, ay sikretong disipulo sa loob ng mahabang panahon dahil sa takot sa mga Judio. Ang Mateo 10 ay isang diskurso kung paanong ang sinumang magtatakwil kay Cristo dahil sa takot sa tao ay itatanggi ni Cristo sa Ama, samakatuwid, hindi siya ihahayag bilang karapatdapat na magharing kasama ni Cristo.
And then may mga taong taglay ang mga katangiang ito. Nais nilang ipubliko ang kanilang paglilingkod sa Diyos ngunit isekreto ang kanilang kakulangan. Nais nila ang pagkilala at papuri na taglay ng pagkakaroon ng opisina ngunit anumang kabiguan ay dapat "ipribado." Nais niyang iwan ang imahen (isang poser) na siya ay tapat na lingkod ng Diyos.
Mabilis siyang magkondena sa publiko dahil it makes him feel better. Ngunit ayaw na pinupuna sa publiko dahil "thou shall not touch the Lord's anointed."
Mabilis siyang mag-claim ng kredito in public ngunit tahimik sa anumang paglilingkod na hindi magbibigay ng kapurihan.
Mabilis ang publikong pagtanggap ng opisina ngunit pribadong sinusuko ito. Dahil ang appearance is everything.
Naiisip ko tuloy ang mga taong wala na sa opisina ngunit ginagamit ang dating posisyun sa organisasyon upang mang-iskam ng iba. Iniisip ng mga biktima na taglay niya pa ang dating posisyun sa organisasyon at nagtiwala dahil dito ngunit ang totoo ay hindi na. Nais niyang maniwala ang publiko sa isang imaheng sinuko niya na sa pribado.
Ang opinyon ng iba ay makapangyarihang impluwensiya sa ating mga desisyon, lalo na may kinalaman sa paglilingkod. Ang pagnanais ng pagkilala ay nagbabago ng ating mga pagpapahalaga.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment