Build, not destroy
2 Thessalonians 3:11
[11]For we hear that some among you are leading an undisciplined life, doing no work at all, but acting like busybodies.
Madali silang makita- mga taong walang disiplina sa sarili, na sa halip na ginugugol ang oras sa makabuluhang gawain, gaya ng pagbuo sa sarili, ay ginagamit ang oras sa pagwasak ng iba. Unfortunate, maraming Cristianong pasok sa kategoriyang ito.
Maraming Cristianong sa halip na magpokus sa kaniyang sariling buhay ay mas interesadong makisawsaw sa buhay ng iba. Updated sila sa kasiraan ng iba habang nakalilimutang pokusan ang sariling improvement. Abala sila sa paghanap ng alingasaw ng pamilya ng iba, nalilimutan nilang asikasuhin ang sariling pamilya. Abala sa pagtuligsa sa iba at nalimutang ang kaniyang paa ay gawa sa luwad.
May I make a suggestion? Be so busy building yourself (both spiritually and physically) na wala kang time para siraan ang iba.
Sa halip na ikumpara ang iyong sarili sa iba (typically kinukumpara ang kalakasan sa kahinaan ng iba), ikumpara mo ang sarili mo sa sarili mo sa nakaraan. Tingnan mo kung mayroong pagbabago at kung positibo ba ang pagbabagong ito. Bahagi ng pag-unlad ang pagtanggap ng feedbacks and acting on them.
Spiritually it means reading the Bible and doing it or else wala kang pinagkaiba sa nagsasalamin ngunit walang ginawa sa kaniyang nakita. Physically it means na sa halip na siraan mo ang diperensiya ng iba, hanapin ang sariling kahinaan at palakasin ito.
Be so busy that the only time upang ikaw ay makipag-usap sa iba ay upang tulungan siyang magdebelop at maabot ang kaniyang goals (again both spiritually and physically). Maybe ang iyong kaibigan ay kailangang makarinig ng mensahe ng biyaya. Sa halip na kwentuhan mo siya ng tsismis na tilang anay na sisira sa integridad ng isang tao at magdadala ng kapahamakan, ibahagi mo ang mensahe ng buhay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Cristo lamang. Marahil may kaibigan kang nagnanais na pumayat. Samahan mo siyang abutin ang kaniyang goals. Pareho pa kayong lalakas.
Instead of destroying others, build yourself. In so doing, you're making yourself more useful to yourself and to others. Intention is good pero kung ang intensiyon ay hindi maisasakatuparan dahil sa kawalan ng lakas at stamina (when it is in your power to improve them) ay isang kasalanan para sa iyo. Hindi mo inalagaan ang katawang pinagkatiwala sa iyo ng Diyos.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment