Salamin, salamin
Santiago 1:23 Sapagka't kung ang sinoman ay tagapakinig ng salita at hindi tagatupad, ay katulad siya ng isang tao na tinitingnan ang kaniyang talagang mukha sa salamin.
Naunang kinumpara ang Salita sa binhing namumunga. Ang bunga ng kalooban ng Diyos ay ang Cristiano mismo hindi gaya ng kasalanang nagbubunga ng kamatayan.
Ngayon naman kinumpara ang Kasulatan sa salamin.
Mahalagang makinig ng Salita. Ngunit mahalaga ring tuparin o isagawa ang Salita. Ang nakikinig ngunit hindi sinasagawa ang Salita ay nililinlang o dinadaya ang sarili.
Kawawa ang self-deceived.
"Sapagka't kung ang sinoman ay tagapakinig ng salita at hindi tagatupad." Ang taong nakikinig lamang ng eksposisyon ng Biblia kapag Linggo ngunit hindi ito ginagamit mula Lunes hanggang Sabado ay katulad ng taong nananalamin ngunit walang ginagawa rito. Alam niya ang kaniyang itsura, alam niya ang dapat gawin ngunit hanggang tingin lamang. Wala siyang kapakinabangan sa impormasyong binigay ng salamin.
"Ay katulad siya ng isang tao na tinitingnan ang kaniyang talagang mukha sa salamin." Ang talagang mukha ay mukha ng kapanganakan. Nang tayo ay manampalataya kay Cristo, tayo ay nakipag-isa kay Cristo at nakibahagi sa Kaniyang kabanalan, katuwiran, eternal na buhay atbp. May 40 benepisyo sa salvation package. Ngunit kahit alam ito ng Cristiano (nakita niya ang kaniyang talagang mukha sa salamin), wala siyang nakukuhang kapakinabangan. Hindi niya ito sinasabuhay. Alam niyang hindi nasasalamin ang kaniyang espirituwal na kalagayan (talagang mukha) sa tunay na buhay. Hindi makita sa kaniyang pamumuhay ang pagiging anak ng Diyos. Bakit? Dahil pagkaalam niya ng impormasyon, wala na siyang ginagawa.
Nakinig siya ng Salita. Hindi niya ito sinakatuparan. Alam niyang siya ay banal kay Cristo. Hindi siya banal sa pamumuhay.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment