Happy Christians

 


For some reason, iniisip ng mga tao na kapag ikaw ay Bible Christian, ikaw ay KJ at hindi ngumingiti. Madalas kapag nagbabahagi kami ng evangelio, sasabihin ng aking kausap, hindi ako pwede maging Christian kasi... (insert ang kaniyang hobby). 

Kailangan kong ipaliwanag na ang buhay na walang hanggang ay binibigay sa mga nanampalataya kay Cristo at hindi ang nag-iwan ng mga hobbies dahil sa ang mga ito ay "karnal." Maaaring karnal naman talaga ang mga ito, pero ang pag-iwan sa mga ito ay hindi magbibigay ng buhay na walang hanggan. Maaaring mapabuti ng pag-iwag ito ang pang-araw-araw na buhay, pero hindi ito magbibigay ng buhay na walang hanggan. 

May nag-aakalang boring ang maging Cristiano. Walang katapusang Bible studies prayers at witnessing. Bawal maging masaya. Bawal ang hobbies na walang kinalaman sa simbahan. Bawal ang magsuot ng usong damit. Bawal mamasyal. 

That is not true. Partly why nagpopost ako ng aming pagkain sa labas at pagwe-weights, ng aking mga halaman at ng aming paglalakwatsa ay upang burahin ang image na ito. Maaari kang maging Cristiano kahit ginagawa ang mga ito. 

Bakit maraming Cristianong legalistic sa bagay na ito? Ang sagot ay kakulangan ng pag-unawa ng biyaya. Bagama't sila ay naligtas sa biyaya, iniisip nilang sila ay magiging banal sa kanilang sariling gawa. Bitbit ang kaisipan sa pinanggalingang relihiyon kung saan kailangan mong gumawa upang maligtas, this time gumagawa sila upang maging banal. 

Yes, ang praktikal na kabanalan ay may kaakibat na gawa, pero ang gawa ay bunga ng paglago sa biyaya, hindi pagpatong ng mga bawal at alituntuning walang basehan sa Biblia. 

Hindi pinagbabawal ng Kasulatan ang magkaroon ng kasiyahan. In fact ang Diyos ang awtor ng kasiyahan. Ang tinuturo ng Biblia ay maghanap ng kasiyahan sa Diyos at Kaniyang sinasabi sa Salita. 

Maraming Cristianong naghahanap ng kasiyahan sa mundo ang walang tunay na kasiyahan dahil hindi sila naniniwala sa mga pangako ng Diyos. Ang paghahanap ng kasiyahan sa sanlibutan ay substitute sa kasiyahang dulot ng Salita. 

Ngunit ang Cristianong nakatanim sa Salita, nauunawaan niyang anumang hindi pinagbabawal ng Kasulatan ay pwede, bagama't hindi lahat ay kapakinabangan. Kailangan ng Cristianong magkaroon ng karunungan sa tamang paggamit ng oras at lakas. Kailangan niyang alamin ang kaniyang prioridad. 

Ang Cristianong walang agam-agam sa Salita ng Diyos ay puno ng kasiyahan. Hindi siya nag-aalala sa mga unos ng buhay. Anumang dumating na mabuting bagay ay tinuturing niyang pagpapala ng Diyos. Anumang unos ay pagsubok na magpapalakas sa kaniya. 

Isang malungkot na bagay ang maging Cristianong walang ugat sa Salita. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama