Posts

Showing posts from November, 2024

Bawal ba ang sekular na musika sa simbahan

Image
  Masama ba ang kumanta o tumugtog ng sekular na musika sa simbahan, lalong lalo na sa pulpito? Una sa lahat anong ibig sabihin ng sekular? At pangalawa, depende sa mensahe ng kanta.  Kung sa sekular, ang ibig tukuyin ay musikang ang paksa ay hindi "espirituwal" gaya ng kaligtasan at kaluwalhatian ng Diyos kundi mga paksang katulad ng pag-ibig, relasyon o buhay-buhay, wala akong nakikitang dahilan kung bakit hindi. Hindi naman lahat ng paksa ay patungkol sa kaligtasan o sa kaluwalhatian ng Diyos. Minsan ang paksa ay tungkol sa pagkakaibigan.  Ang pinaka-determining factor ay ano ba ang mensahe ng kanta. Malinaw na anumang kantang naggo-glorify ng kasalanan o blasphemy ay hindi kailan man dapat tugtugin sa simbahan, o kahit sa personal na kwarto ng Cristiano. Ang musika ay may kahulugan at dahil ito ay lenggwahe ng kaluluwa may potensiyal na isingit ang sarili sa buhay-intelektuwal.  Halimbawa, isang "sekular na kanta" na madalas kung kantain (sabi ni misis tinutula)

Isang Pag-aaral sa 1 Juan 5:10-11

Image
Basahin ang mga sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong.  1 Juan 5:10 Ang nananampalataya sa Anak ng Dios ay may patotoo sa kaniya: ang hindi nananampalataya sa Dios ay ginagawang isang sinungaling ang Dios: sapagka't hindi sumampalataya sa patotoo na ibinigay ng Dios tungkol sa kaniyang Anak. 11 At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak. 1. Sino raw ang may patotoo ng Diyos? 2. Ano ang patotoo ng Diyos tungkol sa Anak na nasa mananampalataya? Tingnan ang v11. 3. Sino ang gumagawang sinungaling sa Diyos? 4. Paano ginagawang sinungaling ng hindi mananampalataya ang Diyos? 5. Ano ang nag-iisang kundisyon upang matamo ang patotoo ng Diyos, samakatuwid, ang kasiguruhan ng buhay na walang hanggang sa mga mananampalataya kau Cristo? (Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya

Isang Pag-aaral sa 1 Juan 5:4-5

Image
Basahin ang mga sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1 Juan 5:4 Sapagka't ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya. 5 At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang si Jesus ay anak ng Dios? 1. Sino raw ang dumaig sa sanlibutan?  2. Paano nila nadaig ang sanlibutan? 3. Sino raw ang anak ng Diyos? 4. Sino ang dapat sampalatayahan upang maging anak ng Diyos at upang daigin ang sanlibutan? 5. Ano ang nag-iisang kundisyon upang maging anak ng Diyos at upang madaig ang sanlibutan? (Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo. Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa

Proud na ang kilos ay hindi gaya ng sanlibutan kundi sa biyaya ng Diyos

Image
2 Corinto 1:12 Sapagka't ang aming pagmamapuri ay ito, ang pagpapatotoo ng aming budhi, ayon sa kabanalan at pagtatapat sa Dios, hindi ayon sa karunungan ng laman, kundi sa biyaya ng Dios, na kami'y nag-ugali ng gayon sa sanglibutan at lalong sagana pa nga sa inyo. Pagkatapod isaysay ang mga hirap ng ministri, kabilang na ang posibilidad ng kamatayan, at ang bahaging ginampanan ng intercession ng mga taga-Corinto sa kaniyang kaligtasan mula sa mga paghihirap at kamatayang ito, sa v12 sinimulan ni Pablong ipagtanggol ang kaniyang minitri. Lumalabas na ang mga kaaway ni Pablo, gaya ng mga Judaiser, ay nagpapakalat ng masamang balita patungkol kay Pablo. Sa v12, nilinaw ni Pablong hindi ito totoo at nanawagan ng mga testigo sa kaniyang integridad, kabilang na ang budhi, ang Diyos mismo at ang mga taga-Corinto na saksi ng pamumuhay na ito.  Ayon kay Pablo, ang kaniyang pagmamapuri ay nag-ugali siya nang may integridad sa harap ng sanlibutan at higit sa mga taga-Corinto. Sa madaling

Isang Pag-aaral sa 1 Juan 5:1

Image
Basahin ang sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1 Juan 5:1 Ang sinomang nananampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay ipinanganak ng Dios: at ang bawa't umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon. 1. Ito ay sitas na nagtuturo pareho ng mensahe ng kaligtasan at mensahe ng pagiging alagad. Mayroon bang pinipiling tao ang Diyos upang maligtas? 2. Sino ang dapat sampalatayahan?  3. Ano raw ang dapat sampalatayahan kay Jesus?  4. Ano ang resulta ng pananampalataya kay Jesus?  5. Ano ang obligasyon ng nanampalataya kay Jesus sa ibang nanampalataya rin kay Jesus?  6. Ano ang nag-iisang kundisyon upang ang tao ay ipanganak ng Diyos? (Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo. Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni C

Nagmamapuri Sa Ating Pag-asa

Image
Hebreo 3:6 Datapuwa't si Cristo, gaya ng anak ay puno sa bahay niya; na ang bahay niya ay tayo, kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pagasa natin hanggang sa katapusan. Dito makikita natin si Cristo bilang puno ng bahay, ikumpara kay Moises na lingkod lamang ng bahay. May babala rito sa mananampalatayang kailangan niyang ingatang matibay ang kaniyang pagtitiwala at pag-asa hanggang sa katapusan. Ang implikasyon ay kung hindi niya maingatan ang kanyang pagtitiwala at pag-asa hanggang katapusan, hindi siya bahagi ng bahay ni Cristo. Nangangahulugan ba itong nawawala ang kaligtasan? Nagtuturo na ito ng perseverance of the saints?  Hindi. Sa konteksto ang bahay ay patungkol sa paglilingkod sa tabernakulo. Si Moises ay tagapaglingkod sa Tabernakulo. Samantala su Cristo ang ulo ng Tabernakulo. Ang empasis dito ay ang superyoridad ni Cristo kay Moises. Nakakataas si Cristo kay Moises kung paanong nakakataas ang Ulo sa lingkod.  Tayo ay bahagi ng bahay na i

Isang Pag-aaral sa 1 Pedro 3:18

Image
Basahin ang sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong.  1 Pedro 3:18 Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman, nguni't binuhay sa espiritu. 1. Ito at ang 1 Pedro 2:24 ang ginamit ng Panginoon upang ako ay sumampalataya sa Kaniya. Bakit kailangang may magbata para sa atin? Bakit hindi tayo maaaring magbata para sa ating mga kasalanan? 2. Sino ang nagbata sa ating mga kasalanan?  3. Sa krus, nagbata si Cristo para sa ating mga kasalanan. Bakit mahalaga ang krus sa ating katuwiran? Anong mangyayari kung walang magbabayad ng kasalanan? 4. Dito malinaw na tinuro ang substitutionary atonement. Anong dahilan at kailangang magbata ang Matuwid para sa mga hindi matuwid? 5. Ano ang nag-iisang kundisyon upang ang tao ay magtamo ng katuwiran qt buhay na walang hanggan? Basahin muli ang Juan 3:16,18,36. (Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ni

Pagmamapuri sa krus ni Cristo

Image
Galatia 6:14 Datapuwa't malayo nawa sa akin ang pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niyao'y ang sanglibutan ay napako sa krus sa ganang akin, at ako'y sa sanglibutan. Sa v13 may binabanggit si Pablong mga nagpatuli ngunit hindi naman sumusunod sa Kautusan. Gusto nila ang seremonya ng pagtuturi ngunit hindi ang pagsunod na kaakibat nito. Iniisip nilang sa kanilang selektibong pagsunod (pagpapatuli ngunit hindi pagsunod sa Kautusan) ay nasunod na nila ang Kautusan. Sa Gawa 15 marami ang nais ipatuli at ipasakop ang mga Gentil na mananampalataya sa ilalim ng Kautusan; isang bagay na tinutulan ni Pablo at ng mga kasama. Ang tao ay nagiging matuwid at karapatdapat (pinatawad at nilinis ang puso) sa pamamagitan ng biyaya at pananampalataya, hindi Kautusan. Bakit nais ng mga Judaiser na itong ipatuli ang mga taga-Galatia? Upang magmapuri sa kanilang laman. Anumang pagmamapuri sa Kautusan, na isang uri ng pagmamapuri sa laman, ay mali.

Isang Pag-aaral sa 1 Pedro 2:24

Image
Basahin ang sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong.  1 Pedro 2:24 Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo. 1. Ito at ang 1 Pedro 3:18 ang ginamit ng Panginoon upang manampalataya sa Kaniya. Kaya paborito ko ang tekstong ito. Sino ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kahoy, samakatuwid, sa krus? 2. Bakit kailangang dalhin ni Cristo ang ating mga kasalanan sa krus? Bakit hindi tayo ang nagdala ng ating sariling mga kasalanan? 3. Ano ang kagalingang tinutukoy sa sitas na ito? 4. Paano natin matatamo ang kagalingang ito? Balikan ang v7. Maaari ring basahin ang Juan 3:16,18,36; 5:24; 6:47.  5. Ano ang kahalagahan ng kamatayan ni Cristo para sa atin? Ano ang nag-iisang kundisyon upang pakinabangan ang kamatayang ito? (Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat,

Magmapuri sa sariling gawa at hindi sa gawa ng iba

Image
Galatia 6:4 Nguni't siyasatin ng bawa't isa ang kaniyang sariling gawa, at kung magkagayon ay magkakaroon siya ng kaniyang kapurihan tungkol sa kaniyang sarili lamang, at hindi tungkol sa kapuwa. May mga taong mataas ang tingin sa kaniyang sarili at ang kanilang persepsiyon ay higit sa katotohanan. Kung minsan ito ay dahil naka- "angkla" sila sa iba. Malakas ang loob dahil may padrino. Nagbibigay ito ng false sense of self at nagreresulta sa pag-aakalang siya ay may kabuluhan kahit wala Sabi ni Pablo ito ay pandaraya sa sarili (v3). Sa v4 sinasabi ni Pablo na sa halip na magkaroon ng false sense of importance, dapat siyasatin ng tao ang kaniyang sariling gawa. Hindi siya dapat umasa sa gawa ng iba. Kailangan niya ng objective na pagsiyasat upang malaman niya kung ano ang tunay na kalagayan ng kaniyang gawa at halaga. Ito ay magbibigay sa kaniya ng KAUCHEMA, "rejoicing, boasting, glorying." Hindi ito makasalanang arrogance kundi objective na pag-alam sa tunay

Isang Pag-aaral sa 1 Pedro 2:7

Image
Basahin ang sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1 Pedro 2:7 Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga: datapuwa't sa hindi nangananampalataya, Ang batong itinakuwil ng nagsisipagtayo ng bahay Siyang naging pangulo sa panulok; 1. Maraming Judio ang natisod kay Jesus dahil hindi Siya ayon sa kanilang inaasahan. Bakit hindi mahalaga si Jesus sa mga hindi nananampalataya? 2. Paano itinatakwil ng isang tao si Jesus kung siya ay umaasa sa Kautusan o sa kaniyang sariling kabutihan para sa katuwiran? 3. Bakit mahalaga si Jesus sa mga nananampalataya? 4. Ano ang ibig sabihin ng ang batong itinakuwil ay naging pangulo sa panulok?  5. Ano ang nag-iisang kundisyon upang ang tao ay maging matuwid? (Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo. Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare

Natuto kay KristinePh

Image
  Masaya kong ibabalita na ayon sa opisyal na balita ng aming lokal na pamahalaan na zero casualty ang aming probinsiya. Considering na hindi hamak na mas malakas ang bagyong PepitoPh kaysa kay KristinePh (ni hindi nga umapak sa signal 3 sa aming lugar), mas mahusay ang responde ng pamahalaan at ng mga tao kay PepitoPh kaysa kay KristinePh. Ni hindi nawala ang signal ng internet at sa loob ng kulang sa 24 oras, naibalik ang linya ng kuryente. At hindi gaya kay KristinePh na halos dalawang linggong suspensiyon ng pasok, dalawang araw lang nasuspindi ang klase. Wala ring masyadong pagbaha. Kaya congratulations sa lahat sa matagumpay na pagtugon kay PepitoPh.  Malaking bahagi ng tagumpay na ito ay natuto kay KristinePh. Gaya nang aking nakaraang blog, marami ang nag-underestimate kay KristinePh. Sa isang probinsiya na sanay na sa Signal 5 at 4, ang signal 2 ay isang joke. Walang masyadong paghahanda ang mga tao dahil walang nararamdamang takot. Kami nga ni walang kandilang ekstrang natata

Isang Pag-aaral sa Tito 3:5

Image
Basahin ang sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Tito 3:5 Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo, 1. Ayon sa sitas na ito ang Cristiano ba ay naligtas sa mga gawang katuwiran na kaniyang ginawa? Bakit kaya hindi siya maliligtas ng kaniya gawa? Basahin ang Isaias 64:6.  2. Kung hindi tayo naligtas sa ating mga gawa, paano pala tayo niligtas ng Diyos? Para sa awa ng Diyos, basahin muli ang Efeso 2:4-5.  3. Ano ang ibig sabihin ng paghuhugas sa muling kapanganakan? Bakit kailangan tayong hugasan at bakit kailangan ng bagong kapanganakan? Anong problema sa ating unang (pisikal) na kapanganakan?  4. Ano ang pagbabago sa Espiritu Santo? Bakit kailangang baguhin ang Cristiano? Anong problema sa dating pagkatao? Basahin ang 2 Corinto 5:17.  5. Ano ang nag-iisang kundisyon upang maligtas? (Kung gusto ninyo ng karagdag

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Image
Basahin ang mga sitas sa ibaba (kung maaari ay basahin ang buong kapitulo) at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Efeso 2:8 Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios; 9 Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri. 1. Sa v1-3, nilarawan ni Pablo ang kalagayan ng mga taga-Efeso bago sila naligtas. Ayon sa v8 paano raw naligtas ang mga taga-Efeso? 2. Kapag sinabing biyaya, ito ay kagandahang-loob ng Diyos na walang tampat. Bakit ang biyaya at pananampalataya ang tamang kombinasyon upang ang tao ay maligtas at hindi ang gawa o Kautusan? (Basahin ang Roma 4:1-8; 11:6 at Gal 2:14-21 para sa karagdagang impormasyon.) 3. Ano raw ang kaloob ng Diyos sa v8? Bakit ang kaligtasan ay kailangang iregalo at hindi mapagtatrabahuhan? 4. Ang kaligtasan ba ay galing sa atin o regalo ng Diyos? Sa iyong palagay bakit ang mga palalo ay iniisip na matatamo nilang ang kaligtasan sa

Magmamapuri sa Kahinaan

Image
2 Corinto 12:9 At siya'y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya't bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo. Sa v1 at sumusunod nilarawab ni Pablo ang isang bagay na maaari niyang ipagmapuri (paulit-ulit na ginamit sa kabanatang ito ang iba't ibang porma ng salitang KAUCHAOMAI)- ang rebelasyong ipinakita sa kaniya. Ngunit dahil hindi naman ito kapakipakinabang, hindi siya magmamapuri upang huwag mapagsabihan nang hindi maganda ang katotohanan. Upang maiwasan niyang magmataas (paulit-ulit ding ginamit ang iba't ibang porma ng Griyegong HUPERAIRO), si Pablo ay binigyan ng Diyos nang tinik sa tagiliran. May nagsasabing ito ay partikular na karamdaman, may nagsasabing ito ay demonyo ngunit ang layon ay iisa- upang huwag siyang magmataas sa kaniyang rebelasyong tinanggap kundi umasa sa kapangyarihan ng Diyos. 

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:4-5

Image
Basahin ang mga sitas (kung maaari ang buong kabanata) at sagutin ang mga sumusunod na tanong.  Efeso 2:4 Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin, 5 Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas), 1. Ilarawan ang kalagayan ng mga taga-Efeso nang sila ay hindi pa mananampalataya kay Cristo.  2. Ayon sa v1-3, totoo bang ang lahat ng tao ay anak ng Diyos? Bakit oo? Bakit hindi? 3. Paano nilarawan ni Pablo ang Diyos sa v4? 4. Ano ang ginawa ng Diyos sa mga nanampalataya may Cristo, v5? 5. Paano raw ang Cristiano nangaligtas? 6. Ano ang nag-iisang kundisyon upang maligtas? (Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo. Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na

Isang Pag-aaral sa Efeso 1:13

Image
Basahin ang mga sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Efeso 1:13 Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako. 1. Ano ang aral ng katotohanan na narinig ng mga taga-Efeso? 2. Ano ang evangelio ng kaligtasan na siyang aral ng katotohanan?  3. Ano ang ginawa ng mga taga-Efeso sa evangelio ng kaligtasang kanilang narinig? 4. Ano ang resulta ng kanilang pananampalataya? 5. Ano ang tamang pakasunod-sunod:  a. Tinatakan ng Espiritu na ipinangako. b. Nanampalataya  c. Narinig ang aral ng katotohanan, ang evangelio ng kaligtasan.  6. Ano ang kundisyon upang matamo ang Espiritu na ipinangako? (Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo. Kung nakatulong sa in

Walang makakapigil sa aking magmapuri

Image
2 Corinto 11:10 Kung paanong nasa akin ang katotohanan ni Cristo, sinoman ay hindi makapipigil sa akin sa pagmamapuring ito sa mga dako ng Acaya. Walang makapipigil kay Pablo na magmapuri. Lenggwahe ni Pablo iyan. At kung okey kay Pablo, okey na rin sa akin. Ngunit ano ba ang pagmamapuring sinabi ni Pablo?  Ang sagot ay nasa v7 at sumusunod: 7 Ako nga baga'y nagkasala sa pagpapakababa ko sa aking sarili, upang kayo'y mangataas dahil sa ipinangaral ko sa inyo na walang bayad ang evangelio ng Dios? 8 Aking sinamsaman ang ibang mga iglesia, sa pagtanggap ko ng upa sa kanila, upang ipangasiwa ko sa inyo; 9 At pagka ako'y kaharap ninyo at ako'y nagkukulang ng ikabubuhay, ako'y hindi naging pasan sa kanino man; sapagka't mga kapatid nang sila'y manggaling sa Macedonia ay tumakip ng aming pangangailangan; at sa lahat ng mga bagay ay pinagingatan kong huwag maging pasanin ninyo, at magiingat nga ako. Hindi katulad ng mga huwad na gurong nagtuturo para sa bayad, si P

Isang Pag-aaral sa Efeso 1:7

Image
Basahin ang sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong.  Efeso 1:7 Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya, 1. Ayon sa teksto, ano raw ang taglay ng isang Cristiano? 2. Paano nagkaroon ng katubusan ang mga Cristiano? Sa pamamagitan ba ng Kautusan? Kung oo, bakit kailangang mabubo ang "Kaniyang dugo?" 3. Ano ang ibig sabihin ng "ating katubusan?"  4. Ano ang pamantayan ng "katubusan" o ng "kapatawaran ng ating mga kasalanan?" 5. Ikumpara ito sa Efeso 1:13 at Efeso 2:8-9. Paano natamo ng isang tao ang kapatawaran o katubusanh ito? Ano ang nag-iisang kundisyon upang matamo ito? (Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo. Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangya

Magmapuri sa Panginoon

Image
2 Corinto 10:17 Datapuwa't ang nagmamapuri ay magmapuri sa Panginoon. 2 Corinthians 10:17[17]But he who boasts is to boast in the Lord. Para sa karamihan, ang mga salitang pagmamapuri at Panginoon ay hindi maaaring masumpungan sa parehong pangungusap at mayroong positibong kahulugan. Madalas dahil sa pagmamapuri sa kanilang sariling kapakumbabaan (huh?), iniisip ng marami na ang tanging paraan upang magsama ang pagmamapuri at Panginoon sa iisang pangungusap ay kapag kinokondena ng Panginoon ang pagmamapuri. Hindi sang-ayon si Pablo.  Mula sa v13 makikita natin ang serye ng gamit ng positibo at negatibong gamit ng iba't ibang porma ng Griyegong KAUCHAOMAI. Ayon na rin kay Pablo, hindi niya ugaling ikumpara ang kaniyang sarili sa iba (v12), sa halip ang magmapuri lamang sa trabahong binigay ng Diyos. Hindi pagmamalabis ang kaniyang pagmamapuri sa mga taga-Corinto dahil ang katotohanan ay siya ang naunang nagbahagi sa kanila ng Salita; hindi siya nagtayo sa pundasyon ng iba. Sa ha

Isang Pag-aaral sa Galatia 3:4-5

Image
Basahin ang mga sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong.  Galatia 3:4 Kayo'y hiwalay kay Cristo, kayong nangagiibig na ariing-ganap ng kautusan; nangahulog kayo mula sa biyaya. 5 Sapagka't tayo sa pamamagitan ng Espiritu sa pananampalataya ay naghihintay ng pangako ng katuwiran. 1. Ano ang ibig sabihin ni Pablo sa "kayo'y hiwalay kay Cristo, kayong nangagiibig na ariing ganap/matuwid sa Kautusan?  2. Base sa v4, ilang relihiyon ang hiwalay kay Cristo dahil sa pagnanais na maligtas sa pamamagitan ng Kautusan? 3. Ang mga taong ito ay nangahulog mula daw sa biyaya. Ano ang kahulugan ng nangahulog mula sa biyaya? Sa paanong paraan ang pagnanais na ariing ganap sa pamamagitan ng Kautusan pagkahulog mula sa biyaya?  4. Sino raw ang naghihintay, literal na may kumpiyansang umaasam, ng pangako ng katuwiran? Ang mga sumusunod ba sa Kautusan ngunit hulog mula sa biyaya? O ang may pananampalataya? 5. Ano ang nag-iisang kundisyon upang magtamo ng pangako ng katuwiran? (Kung g

Ipinagmamapuri ang Generosidad na Katunayan ng Pag-ibig

Image
2 Corinto 8:24 Inyo ngang ipakita sa kanila sa harapan ng mga iglesia ang katunayan ng inyong pagibig, at ng aming pagmamapuri dahil sa inyo. 2 Corinthians 8:24[24]Therefore openly before the churches, show them the proof of your love and of our reason for boasting about you. Pamilyar sa lahat ang 2 Corinto 8-9 dahil ito ang ginagamit na basehan sa grace giving kapag offertory sa mga simbahan. Strictly speaking ang pinag-uusapan dito ay hindi ang koleksiyon mula sa mga miyembro kapag may simba kundi ang pagtitipon ng pera upang itulong sa mga kapatid sa Jerusalem na nangangailangan. Ang ambagang ito ay mas hawig pa sa ginagawa ng ABS-CBN Kapamilya o ng GMA Kapuso Foundations. Ang pag-aabuloy para sa pangangailangan ng mga kapatid ay patunay ng pag-ibig gaya ng sinabi ni Juan sa 1 Juan 3:17-18. Walang masama sa pagkuha ng mga prinsipyo sa grace giving mula sa tekstong ito basta naaalala natin ang konteksto ng koleksiyon.  Isa sa balita ni Tito ay hindi natapos ng mga taga-Corinto ang pi

Isang Pag-aaral sa Galatia 3:25-26

Image
Basahin ang mga teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Galatia 3:25 Datapuwa't ngayong dumating na ang pananampalataya, ay wala na tayo sa ilalim ng tagapagturo. 26 Sapagka't kayong lahat ay mga anak ng Dios, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus. 1. Ayon kay Pablo ang Kautusan ay tagapagturo. Ang salitang ginamit ay may kinalaman sa ating modernong salitang pedagogy. Sa paanong paraan ang Kaustusan naging tagapagturo kay Cristo? 2. Ngayong dumating na si Cristo, tayo ay tinatawagang manampalataya sa Kaniya. Dapat pa bang magpailalim sa Kautusan? 3. Paano ba ang tao magiging anak ng Diyos ayon sa mga tekstong ito?  4. Ano ang nag-iisang kundisyon upang maging anak ng Diyos? (Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo. Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba.

Memorizing Scriptures: Lucas 19:10

Image
  Lukas 19:10 Sapagka't ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala. Luke 19:10[10]For the Son of Man has come to seek and to save that which was lost." Mababasa natin sa kabanatang ito ang kwento ni Zaqueo, isang publikano. Sa mata ng mga Judio, siya ay isang taksil, dahil siya ay nagtatrabaho para sa mananakop ng Israel, ang mga Romano. Dahil sa ang kanilang kita ay mula sa kanilang mga sinisingil, hindi rin kilala ang mga publikano sa pagiging tapat; madalas na sila ay naniningil nang higit sa dapat. Ganuon pa man ang biyaya ng Diyos ay walang pinipiling tao. Sa lahat ng nagnanais na makilala ang Diyos (ang pagnanais ni Zaqueo na makita si Jesus sa kabila nang kaniyang mababang tindig) ay indikasyon ng pagnanais niyang magkaroon ng relasyon sa Diyos.  Napakababa ng tingin ng mga Judio kay Zaqueo na siya ay tinawag nilang "makasalanan." Nakalulungkot na ang mga "banal" at "matuwid" (sa kanilang sariling paningin) ay binababa

Isang Pag-aaral sa Galatia 3:23-24

Image
Basahin ang mga sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Galatia 3:23 Nguni't bago dumating ang pananampalataya, ay nabibilanggo tayo sa ilalim ng kautusan, na nakukulong tayo hanggang sa ang pananampalataya ay ipahahayag pagkatapos. 24 Ano pa't ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya. 1. Bakit kinumpara ang Kautusan sa kulungan? Sino ang nagnanais na manatili sa kulungan? 2. Nang dumating ang pananampalataya, tayo ay nagkaroon ng kalayaan. Bakit mas pinipili ng mga tao ang pagkabilanggo sa Kautusan kaysa kalayaan sa pananampalataya kay Cristo? 3. Ano ang ginagampanang papel ng Kautusan? 4. Ayon sa v24, paano ang tao inaaring-ganap o inaaring matuwid? 5. Ano ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng katuwiran o upang ariing-ganap/ariing matuwid ayon sa mga tekstong ito? (Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada