Isang Pag-aaral sa 1 Pedro 2:24




Basahin ang sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong. 


1 Pedro 2:24 Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo.


1. Ito at ang 1 Pedro 3:18 ang ginamit ng Panginoon upang manampalataya sa Kaniya. Kaya paborito ko ang tekstong ito. Sino ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kahoy, samakatuwid, sa krus?

2. Bakit kailangang dalhin ni Cristo ang ating mga kasalanan sa krus? Bakit hindi tayo ang nagdala ng ating sariling mga kasalanan?

3. Ano ang kagalingang tinutukoy sa sitas na ito?

4. Paano natin matatamo ang kagalingang ito? Balikan ang v7. Maaari ring basahin ang Juan 3:16,18,36; 5:24; 6:47. 

5. Ano ang kahalagahan ng kamatayan ni Cristo para sa atin? Ano ang nag-iisang kundisyon upang pakinabangan ang kamatayang ito?


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay