Isang Pag-aaral sa 1 Pedro 3:18



Basahin ang sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong. 


1 Pedro 3:18 Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman, nguni't binuhay sa espiritu.


1. Ito at ang 1 Pedro 2:24 ang ginamit ng Panginoon upang ako ay sumampalataya sa Kaniya. Bakit kailangang may magbata para sa atin? Bakit hindi tayo maaaring magbata para sa ating mga kasalanan?

2. Sino ang nagbata sa ating mga kasalanan? 

3. Sa krus, nagbata si Cristo para sa ating mga kasalanan. Bakit mahalaga ang krus sa ating katuwiran? Anong mangyayari kung walang magbabayad ng kasalanan?

4. Dito malinaw na tinuro ang substitutionary atonement. Anong dahilan at kailangang magbata ang Matuwid para sa mga hindi matuwid?

5. Ano ang nag-iisang kundisyon upang ang tao ay magtamo ng katuwiran qt buhay na walang hanggan? Basahin muli ang Juan 3:16,18,36.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay