Managana ang inyong pagmamapuri kay Cristo Jesus



Filipos 1:26 Upang managana ang inyong pagmamapuri kay Cristo Jesus sa akin sa pamamagitan ng aking pagharap na muli sa inyo.

Sa kulungan, dalawang tadhana ang naghihintay kay Pablo. Maaaring siya ay mamatay (samakatuwid pinatawan siya ni Caesar ng kamatayan) o mabuhay (samakatuwid inabswelto siya ni Caesar). Alin man sa dalawang kapalarang ito, ang mahalaga ay si Cristo, v21. Kapag siya ay nabuhay, mamumuhay siya para kay Cristo; kung siya ay patayin, ito ay kapakinabangan dahil makakasama niya na si Cristo. 

Sa v26, kampante si Pablong siya ay maliligtas sa kamatayan at nagdesisyon siyang kung makalaya, siya ay tutungo sa Filipos upang maglingkod. Malaking pag-aalala ng mga taga-Filipos kay Pablo, at gayun din si Pablo sa kanila, at sa ganitong paraan, mababawasan ang kanilang alalahanin. Ang resulta ng pagbisitang ito ay kagalakan o pagmamapuri (mula sa KAUCHEMA). Ang kanilang kagalakan ay napakalaki na kanila itong ipagmamapuri sa iba, masaya at proud na niligtas ng Diyos si Pablo. Ito ay nagmamalaking kumpiyansa na sinagot ang kanilang kahilingan. Walang masama sa sobrang katuwaang gusto mong ipagmapuri sa iba ang kaligtasang ginawa ng Diyos. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay