Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9
Basahin ang mga sitas sa ibaba (kung maaari ay basahin ang buong kapitulo) at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Efeso 2:8 Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;
9 Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.
1. Sa v1-3, nilarawan ni Pablo ang kalagayan ng mga taga-Efeso bago sila naligtas. Ayon sa v8 paano raw naligtas ang mga taga-Efeso?
2. Kapag sinabing biyaya, ito ay kagandahang-loob ng Diyos na walang tampat. Bakit ang biyaya at pananampalataya ang tamang kombinasyon upang ang tao ay maligtas at hindi ang gawa o Kautusan? (Basahin ang Roma 4:1-8; 11:6 at Gal 2:14-21 para sa karagdagang impormasyon.)
3. Ano raw ang kaloob ng Diyos sa v8? Bakit ang kaligtasan ay kailangang iregalo at hindi mapagtatrabahuhan?
4. Ang kaligtasan ba ay galing sa atin o regalo ng Diyos? Sa iyong palagay bakit ang mga palalo ay iniisip na matatamo nilang ang kaligtasan sa kanilang sariling gawa?
5. Ayon sa v9 bakit ang kaligtasan ay hindi ayon sa mga gawa? Bakit magkakaroon ng pagmamapuri ang tao kung magagawa niya ang kaniyang kaligtasan?
6. Ano ang nag-iisang kundisyon upang maligtas?
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment