Isang Pag-aaral sa Pahayag 22:17

 


Basahin ang sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong.


Pahayag 22:17 At ang Espiritu at ang kasintahang babae ay nagsasabi, Halika. At ang nakikinig ay magsabi, Halika. At ang nauuhaw, ay pumarito: ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay.


1. Sino ang Espiritu at kasintahang babaeng binabanggit sa sitas?

2. Ano ang kanilang mensahe?

3. Sino ang nakikinig? May indikasyon bang ang nakikinig ay iilang pinili? O ang sinumang nakikinig (naniwala sa mensahe) ay maaaring mang-imbita ng iba?

4. Sino ang nauuhaw? Sino ang may "ibig"? Ano ang kailangan niyang gawin? 

5. Nang sinabi ng sitas na kumuha nang walang bayad ng tubig ng buhay, may gagawin ka pa ba para makuha ang tubig na ito? Ano ang tubig na walang bayad? Balikan ang Juan 4, ang babae sa balon. 

6. Sa iyong palagay, bakit nais ng mga taong bayaran ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng relihiyon at mga gawa samantalang paulit-ulit na sinabing ito ay walang bayad?


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay