Magkaroon ng isasagot
2 Corinto 5:12 Hindi namin ipinagkakapuring muli ang aming sarili sa inyo, kundi binibigyan namin kayo ng dahilan na ikaluluwalhati ninyo dahil sa amin, upang kayo'y mangagkaroon ng maisasagot sa mga nagpapaluwalhati sa anyo, at hindi sa puso.
Patuloy na pinagtatanggol ni Pablo ang kaniyang pagka-apostol at sa v11 binanggit niyang ang pagkatakot o paggalang sa Panginoon ang kaniyang motibasyon upang hikayatin ang mga taong bumalik sa Panginoon. Hindi siya takot sa mga tao ngunit takot siya sa Diyos at ito ang nagtutulak sa kaniya sa ministri. Hindi gaya ng mga huwad na apostol na ang empasis ay nasa labas, ang motibasyon ni Pablo ay panloob- ang Diyos.
Sa pagsasabi nito, hindi nagmamapuri o nagbibigay ng sariling komendasyon muli si Pablo sa mga taga-Corinto, wala siyang dahilan upang paulit-ulit na patunugin ang kaniyang personal na pakakak. Sa halip binibigyan niya ng pagkakataon ang mga taga-Corinto na magmapuri o magluwalhati (KAUCHEMATA) sa kaniya. Samakatuwid alam ni Pablong alam ng mga taga-Corinto ang kaniyang pagpapagal upang turuan sila at ito ay sapat upang ipagmalaki siya ng mga ito. Alam ni Pablong kamalamalaki ang kaniyang ministri at kahit sino ay maaaring ipagmapuri ito sa iba na ang pokus ay nasa anyo o panlabas lamang at hindi sa puso. Maraming huwad na guro ang nakapokus sa nakikita ng mata sa halip na sa kalagayan ng puso. Hinahanap nila ang kapurihan ng tao, at hindi ang panloob na relasyon sa Diyos. Sa puntong ito alam ng mga taga-Corinto na hindi ganuon si Pablo at maipagmamalaki nila ito kahit kanino.
Ang tanong: maipagmamalaki ba ng ating mga tinuturuan ang ating ministri? Masasabi ba nilang hindi lang tayo sa anyo o panlabas kundi ayon sa puso?
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment