Isang Pag-aaral sa Tito 3:5



Basahin ang sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong.


Tito 3:5 Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo,


1. Ayon sa sitas na ito ang Cristiano ba ay naligtas sa mga gawang katuwiran na kaniyang ginawa? Bakit kaya hindi siya maliligtas ng kaniya gawa? Basahin ang Isaias 64:6. 

2. Kung hindi tayo naligtas sa ating mga gawa, paano pala tayo niligtas ng Diyos? Para sa awa ng Diyos, basahin muli ang Efeso 2:4-5. 

3. Ano ang ibig sabihin ng paghuhugas sa muling kapanganakan? Bakit kailangan tayong hugasan at bakit kailangan ng bagong kapanganakan? Anong problema sa ating unang (pisikal) na kapanganakan? 

4. Ano ang pagbabago sa Espiritu Santo? Bakit kailangang baguhin ang Cristiano? Anong problema sa dating pagkatao? Basahin ang 2 Corinto 5:17. 

5. Ano ang nag-iisang kundisyon upang maligtas?


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay