Nagmamapuri Sa Ating Pag-asa


Hebreo 3:6 Datapuwa't si Cristo, gaya ng anak ay puno sa bahay niya; na ang bahay niya ay tayo, kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pagasa natin hanggang sa katapusan.

Dito makikita natin si Cristo bilang puno ng bahay, ikumpara kay Moises na lingkod lamang ng bahay. May babala rito sa mananampalatayang kailangan niyang ingatang matibay ang kaniyang pagtitiwala at pag-asa hanggang sa katapusan. Ang implikasyon ay kung hindi niya maingatan ang kanyang pagtitiwala at pag-asa hanggang katapusan, hindi siya bahagi ng bahay ni Cristo. Nangangahulugan ba itong nawawala ang kaligtasan? Nagtuturo na ito ng perseverance of the saints? 

Hindi. Sa konteksto ang bahay ay patungkol sa paglilingkod sa tabernakulo. Si Moises ay tagapaglingkod sa Tabernakulo. Samantala su Cristo ang ulo ng Tabernakulo. Ang empasis dito ay ang superyoridad ni Cristo kay Moises. Nakakataas si Cristo kay Moises kung paanong nakakataas ang Ulo sa lingkod. 

Tayo ay bahagi ng bahay na iyan (paglilingkod) kung magagawa natin ang dalawang bagay: 1. Ingatang matibay ang pagtitiwala sa pag-asa natin hanggang katapusan; at 2. Ingatang matibay ang pagmamapuri sa ating pag-asa hanggang katapusan. Ang ating pag-asa ay na kay Cristo, at ito ang basehan ng ating paglilingkod. Ito ang basehan ng pagtitiwala at pagmamapuri. Sa sandaling mawalan tayo ng tiwala at pag-asa kay Cristo, hindi tayo kwalipikadong maglingkod. 

Dito, sa halip na ipakita ang pagmamapuri (KAUCHEMAI) bilang isang bagay na dapat itakwil dahil mali, ito ay isa sa dalawang bagay na dapat panghawakan nang matibay hanggang sa katapusan. Kapag hindi ka nanghawak sa pagmamapuring ito, hindi ka kwalipikadong maglingkod o hindi ka bahagi ng bahay na si Cristo ang ulo. Ang pag-asang ito ay hindi ang ating kakayahan o personal na kabanalan, kundi si Cristo at ang ating pag-asa (confident expectation) na Siya ay Tagagantimpala nang lahat nang naglilingkod sa Kaniya. 

May pagmamapuri na dapat itakwil. Ngunit may pagmamapuri na dapat panghawakan nang matibay hanggang sa katapusan at ito ay ang pagmamapuri sa ating pag-asa o confident expectation kay Cristo. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay