Isang Pag-aaral sa Pahayag 5:9-10
Basahin ang mga sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Pahayag 5:9 At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa.
10 At sila'y iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios; at sila'y nangaghahari sa ibabaw ng lupa.
1. Sino ang matatandang umaawit sa kabanatang ito?
2. Sino ang Kordero na karapatdapat kumuha ng aklat?
3. Bakit Siya karapatdapat?
4. Ano ang ginawa ni Jesus sa mga tinubos Niya?
5. Ano ang nag-iisang kundisyon upang mapakinabangan ang katubusang ito? Paano magkaroon ng buhay na walang hanggan? Basahin ang Juan 3:16.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment