Hindi ka ba napapagod mag-share ng Biblical articles o memes e wala namang nagbabasa?
Paano ako mapapagod kung gusto ko ang aking ginagawa? Binigay ni Cristo ang Kaniyang buhay sa krus para sa kabayaran ng ating mga kasalanan, upang ang sinumang manampalataya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ang buhay na ito ay libreng kaloob at ang tanging kundisyon ng Diyos ay pananampalataya. Hindi mga gawa, katapatan o relihiyon. Hindi Siya humingi ng malaking sakripisyo mula sa akin. Kahit si Naaman ay na-appreciate ang kasimplehan ng hinihingi ng Diyos (sa pamamagitan ni Eliseo), 2 Hari 5:13. Lahat gagawin niya upang gumaling, bakit hindi ang maniwala lang sa sinabi ni Eliseo?
Malaking kagalakan at malalim na utang na loob ang nagtutulak sa akin para mag-share. Dahil nagagalak ako sa kaligtasang binigay ng Diyos kay Cristo Jesus, gusto kong malaman din ito ng aking mga kaibigan at kapamilya. Alam kong marami sa kanila ang gumagamit ng social media kaya sa pamamagitan ng pagpopost o pagse-share, gusto kong ma-expose rin sila sa evangelio. Ganuon din naman ang aking gratitude o utang na loob sa Diyos ay nagsasabing ginawa Niya ang lahat para sa iyo, hindi mo ba magawa ang simpleng bagay na ito?
On a practical side, ang social media ang isa sa pinakamabilis na paraan upang magkalat ng ideya. Maraming kumukuha ng kanilang pilosopiya ng pamumuhay mula sa mga memes sa FB. Nakikigamit ako sa behikulong ito ng information dissemination. Bakit natin hahayaan ang sanlibutan na magkalat sa FB ng kaniyang paniniwala nang walang challenge? Umaasa akong sa pagbaha ng mga Biblical content sa FB, mababago nito ang algoritmo ng pinakapopyular na pinag-uusapan. Imagine kung ang trending sa FB ay Free Grace Salvation?!
Walang garantiyang may nagbabasa ng aking mga sinulat at pinost ay sin-share. And I don't care. Gusto ko lang siyang nasa internet dahil sino ang nakakaalam, gamitin ng Diyos ang impormasyong ito para manampalataya kay Cristo? O para magkaroon ng alternatibong pag-unawa sa mga bagay? Marahil may kabataang nabobored na nag-ii-scroll at maraanan ang mga mensaheng ito. O may nalilitong ama na "by chance" (Divine Providence) maraanan ang mga ito. O siguro may naghahanap lang ng minoryang posisyun dahil ang mga tao ay laging naghahanap ng underdogs.
May magbasa man o wala, hindi ako magsasawang mag-share. Mostly, ito ay para sa aking sarili- ekspresyon ng aking pasasalamat sa Kaniyang binigay ang Kaniyang buhay para sa akin (at sa iyo kung masasampalatayahan mo ito).
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment