Isang Pag-aaral sa Pahayag 1:5
Basahin ang sitas at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Pahayag 1:5 At mula kay Jesucristo na siyang saksing tapat, na panganay sa mga patay, at pangulo ng mga hari sa lupa. Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo;
1. Gamit ang sitas na ito, ilarawan ang Panginoong Jesucristo.
2. Talakayin ang pag-ibig ni Cristo. Tingnan ang Ef 5:2 para sa karagdagang impormasyon.
3. Sino ang nagkalag sa atin mula sa ating mga kasalanan?
4. Paano Niya tayo kinalagan mula sa ating mga kasalanan?
5. Ano ang kundisyon upang matamo ang pagkakalag na ito mula sa kasalanan at magtamo ng buhay na walang hanggan? Basahin ang Juan 3:16; 5:24; 6:47.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment