Ang Bunga ng Espiritu ay kagandahang-loob
.jpeg)
Galatia 5:22 Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob... Sa mundong pinahahalagahan ang kapangyarihan, ang kagandahang-loob o kabaitan ay tinuturing na kahinaan. Ngunit ang kagandahang-loob ay hindi lamang simpleng pagiging mabait, isang basahang pwedeng apak-apakan. Ang salitang CHRESTOTES ay ginamit ng 8 beses sa KJV at ang ideya ay pagiging mabiyaya sa kilos at pananalita. Mahalaga ang kabutihang-loob sapagkat ito ay sumasalamin sa Diyos, Roma 2:4. Kung nanaisin ng Diyos pwede niyang diretsong itapon sa impiyerno ngunit sa Kaniyang kabaitan, binigyan Niya tayo ng pagkakataon. Sa Tito 3:4-5, ang kabaitang ito ang nagdala ng kaligtasan sa sinumang mananampalataya kay Jesus. Dahil sa ito ay larawan ng Diyos, marapat itong makita sa mga anak Niya, lalo sa ating pakikitungi sa kapwa. Ang Diyos ay Diyos na lumilikha ng mga tulay, ganuon din dapat tayo, 2 Cor 5:20-21. Sa Kawikaan 15:1, ang kabaitan ay gumagawa ng tulay n...