Ang Bunga ng Espiritu ay kagandahang-loob



Galatia 5:22 Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob...

Sa mundong pinahahalagahan ang kapangyarihan, ang kagandahang-loob o kabaitan ay tinuturing na kahinaan. Ngunit ang kagandahang-loob ay hindi lamang simpleng pagiging mabait, isang basahang pwedeng apak-apakan. Ang salitang CHRESTOTES ay ginamit ng 8 beses sa KJV at ang ideya ay pagiging mabiyaya sa kilos at pananalita. 

Mahalaga ang kabutihang-loob sapagkat ito ay sumasalamin sa Diyos, Roma 2:4. Kung nanaisin ng Diyos pwede niyang diretsong itapon sa impiyerno ngunit sa Kaniyang kabaitan, binigyan Niya tayo ng pagkakataon. Sa Tito 3:4-5, ang kabaitang ito ang nagdala ng kaligtasan sa sinumang mananampalataya kay Jesus. 

Dahil sa ito ay larawan ng Diyos, marapat itong makita sa mga anak Niya, lalo sa ating pakikitungi sa kapwa. Ang Diyos ay Diyos na lumilikha ng mga tulay, ganuon din dapat tayo, 2 Cor 5:20-21. Sa Kawikaan 15:1, ang kabaitan ay gumagawa ng tulay na magreresulta sa pagkakasundo. Ang magaliting salita ay lumilikha ng paghihiwalay ngunit ang mabait at marahang pananalita ay nagbubura ng galit.

 Ito ay countercultural dahil ang pinahahalagahan ng sanlibutan ay ang mga taong palalo at mapilit ng kaniyang sarili. Ngunit sa tulong ng Espiritu at pananahan kay Cristo (Juan 15), maaari tayong lumikha ng kagandahang-loob sa ating mga buhay, Col 3:12. Ang simpleng kabaitan sa lahat, lalo na sa ating mga kaaway ay makakaagaw ng atensiyon ng mga tao at magtuturo sa Diyos na pinagmulan ng lahat ng kabaitan, Ef 4:32; Lukas 6:35. Huwag nating kalimutan ang mga halimbawa ni Boaz sa kaniyang kabaitan kay Ruth at ang mabuting Samaritano sa Judiong ninakawan sa daan sa Jerico. 

Ang ating magandang halimbawa ay magtutulak sa mga hindi mananampalataya upang magtanong ng pag-asang nasa atin, 2 Pedro 3:15. Bakit kakaiba tayo? Maituturo natin sila kay Cristo na Siyang inkarnasyon ng karakter na ito. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Nangungulila sa isang Ama