Papatnubayan sa buong katotohanan

 


Juan 16:12 Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis.13 Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.14 Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag.

Sa Juan 13-17, nagbigay ang Panginoon ng huling habilin sa Kaniyang mga alagad. Bahagi ng Kaniyang huling habilin ang pangako ng Espiritu Santo, ang tanda ng mga ligtas, Ef 1:13. 

Sa Juan 16:12-14, pinangako ni Jesus na papatnubayan ng Espiritu Santo ang mga alagad sa katotohanan. Anumang oposisyon ng sanlibutan, at darating ang panahong aakalain ng mga taong isang paglilingkod sa Diyos ang patayin sila, ang Espiritu ay gagabay sa kanila at luluwalhati kay Cristo.

"Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis." Interesanteng malaman kung ano pa sana ang nais sabihin ni Cristo. Sa eternidad na lang natin malalaman nang may katiyakan kung ano ang mga ito. Ngunit ang aking sapantaha ay ang mga ito ay mga sikreto patungkol sa Iglesia na hinayag ng Espiritu kay Pablo. Samakatuwid, kung nais nating malaman ang "buong kwento",  kailangan nating basahin ang mga epistula, lalo na ang mga sinulat ni Pablo. 

"Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating." Muli, ito ay Pre-authentication ng mga aklat ng Bagong Tipan. Sinisiguro ni Cristo na sa pagbaba ng Espiritu, papatnubayan Niya ang mga apostol sa lahat ng katotohanan. Wala silang isusulat na hindi kinasihan ng Espiritu. Ang lahat nilang isusulat ay totoo, dahil ito ay mula sa Diyos mismo. 

May nagki-claim na sila ay pinatnubayan din ng Espiritu sa buong katotohanan pero wala pa akong nasalubong na Cristianong hindi nagkamali. 

"Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag." Ang trabaho ng Espiritu Santo ay luwalhatiin si Cristo. Wala Siyang ipapahayag na hindi mula kay Cristo. Ito ang assurance ng ating Kasulatan.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Nangungulila sa isang Ama