Ang bunga ng Espiritu ay pagpapahinuhod
Galatia 5:22 Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod...
Sa mundong laging nagmamadali at hindi marunong maghintay, ang pagpapahinuhod ay hindi itinuturing na birtud ngunit kahinaan. Ngunit malinaw ang Kasulatan na ito ay isang pagpapahalagang espirituwal na bunga ng pagkilos ng Espiritu Santo sa ating mga buhay. Ito ay bahagi ng pagiging kawangis ni Cristo.
Ayon sa Kawikaan 16:32, ang pagpapahinuhod ay higit kaysa pagsakop ng isang lunsod. Ang panloob na kontrol ng sarili ay mas kahangahanga kaysa pagsupil sa ibang tao. Mas nangangailangan ng lakas at tapang ang kontrolin ang sarili kapag nahaharap, halimbawa sa isang sitwasyong nakagagalit, kaysa mag-lash out sa mga kaharap. Kahit mga hayop ay nagwawala kapag nasusukol, ngunit ang isang kontrolado mg Espiritu ay kontrolado ang kaniyang espiritu.
Ang pagpapahinuhod ay hindi pasibong paghihintay sa kung ano ang mangyayari kundi aktibong pagtitiwala sa tamang panahong tinalaan ng Diyos, Ecc 3:11. Bagama't eskiptikal ang Mangangaral na makasumpong ng kahulugan sa ilalim ng araw, natanto niyang ang Diyos ay kumikilos nang ayon sa Kaniyang oras. Ang problema ay hindi niya mawari ang kilos ng Diyos at gaya ng maraming tao sa ating kasalukuyan ay hindi makapaghintay at nagsasabing ang buhay ay walang kabuluhan. Ngunit sa Cristianong kontrolado ng Espiritu, patience is a virtue. Ito ay pagsasabing, "Lord naniniwala ako sa Iyong tamang timing and I will wait for your deliverance."
Habang lumalago tayo sa biyaya, mas lalo tayong nahahawig sa Diyos na mailalarawan bilang mapagpahinuhod at magpasensiya lalo na sa mga makasalanan, Awit 103:8; 2 Ped 3:9. Napakahaba ng pisi ng Kaniyang galit at handang maghintay na ang lahat ay bumalik sa Kaniya sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. Madalas hindi tayo makapaghintay dahil ang gusto natin ay katarungan at katuwiran ngayon, specially in face of actual or presumed injury. Kailangan natin ang pagpapasensiya at pagpapahinuhod upang mailarawan nang husto ang Diyos sa harap ng hindi naniniwalang sanlibutan.
Sa aking eksposisyon ng Santiago, binibigyan diin kong ang pagsubok ay bumubuo ng pagtitiis at karakter. Sang-ayon si Pablo, Roma 5:3-4. Madali sabihing tayo ay mananampalataya ng Diyos ngunit ang kadalisayan (hindi ang existence) ng ating pananampalataya ay makikita sa ating pagtitiis. Makikita ang kalidad ng pananampalataya sa ating kakayahang manghawak sa pangako ng Diyos kahit sa harap ng pagsubok ng buhay. Kaya ang hamon ni Santiago, yakapin nang may kagalakan ang mga pagsubok ng buhay dahil ito ay bubuo ng karakter, magbibigay ng panloob na kasiyahan at sa Bema, ay putong ng buhay.
Sa huli, ang pagpapahinuhod ay hindi madedebelop by sheer human will. We are all prone to anger and to exalting ourselves over others. When we're faced with imagined or even real injury, we're quick to retaliate. Sabi sa Col 1:11, kailangan natin ang kapangyarihan ng Diyos. Nanalangin si Pablo para sa mga taga-Colosas at ito rin ang panalangin ni Pablo para sa iyo. Ang tunay na pagpapahinuhod ay bunga ng Espiritu. Kung mananatili tayo sa Salita, tutuparin ang Salita at mananahan sa Salita, madedebelop natin ang pagpapahinuhod ni Cristo sa ating mga buhay.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment