Ang pagkakaiba ng ministri ng Espiritu Santo sa Luma at Bagong Tipan

 


Awit 55:11 Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.

1 Samuel 16:14 Ang Espiritu nga ng Panginoon ay humiwalay kay Saul, at isang masamang espiritu na mula sa Panginoon ay bumagabag sa kaniya.

Lukas 11:13 Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?

Juan 14:17 Sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.

Sa pagpapatuloy ng ating mga serye ng blogs sa Espiritu Santo, balikan nating madali ang pagkakaiba ng ministri ng Espiritu Santo sa Luma at Bagong Tipan. 

Gaya nang makikita sa mga sitas sa taas, may pangakong pagbabago sa Juan 14:17. Dati nang kasama ng mga alagad ang Espiritu, ngunit for the first time, Siya ay "sasa inyo"- nasa loob ng mga apostol. 

Sa Lumang Tipan, ang Espiritu ay bumababa at pumapasok sa mga hari, pari, manggagawa ng tabernakulo at ilang indibidwal upang magsagawa ng isang partikular na ministri at aalis kapag natapos ito o sa kaso ni Saul, hindi na siya kagamit-gamit sa Panginoon. Alam ito ni David kaya nang siya ay magkasala kasama ni Bathseba at dumaranas ng disiplina, ang kaniyang panalangin ay huwag alisin ang Espiritu Santo mula sa kaniya. Ayaw niyang maging kagaya ni Saul. 

As late as panahon ni Jesus (dahil technically Siya ay nabuhay sa Lumang Tipan- Gal 4, sa ilalim ng Kautusan), ang mga alagad ay maaaring humiling ng Espiritu Santo. It makes sense dahil kung Siya ay umaalis, maaari kang manalangin para sa Kaniyang pagbabalik. 

Sa dispensasyon ng Simbahan, lahat ay nagbago. For the first time, pinangako ni Jesus na ang Espiritu ay "sasa inyo"- mananahan sa katawan mismo ng mga alagad. Ang katawan ng mga mananampalataya ang Kaniyang magiging templo at ang Kaniyang trabaho ay buuin ang larawan ni Cristo sa mga mananampalataya. 

Ayon sa Efeso 1:13, Siya ang tanda o selyo ng mga mananampalataya. Ang sinumang walang Espiritu ay hindi ligtas. 

Ito ay isang encouragement sa mga Cristiano. Kailan man ay hindi siya nag-iisa. Saan man siya pumaroon, ano man ang kaniyang gawin, ang Espiritu ay kasama niya, handang umalalay at umaliw. Anumang gawin ng sanlibutan, ang Cristiano ay may Espiritu Santong kumikilos sa kaniya. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION