Kailangan ko bang maging sunud-sunuran sa aking pastor upang ma-born again?

 


Wala naman kaming nakausap na nagsabi nito pero gusto ko na ring talakayin. Kailangan ko bang maging sunud-sunuran sa aking pastor (blind loyalty) upang ma-born again?

Wala akong kilalang born again teachers (except cultists) na nagtuturo ng loyalty sa kanilang founder, main teacher, executive minister, apostol, propeta o kung sinupamang tao bilang kundisyon upang maligtas. Usually ang kanilang claim ay sila lamang ang taging binigyan ng Diyos ng revelation sa ikaliligtas at ang iba ay mga huwad na guro. Ang makinig sa iba ay pakikinig sa diablo. 

Una sa lahat ang layon ng pananampalataya sa Juan 3, ang pasaheng kinasusumpungan ng salitang born again ay si Cristo. Siya lamang ang dapat sampalatayahan upang magkakaroon ng buhay na walang hanggan, Juan 3:16-18. 

Ikalawa walang founder o teacher na namatay sa krus para bayaran ang iyong mga kasalanan. Si Jesus ang kabayaran ng ating mga kasalanan, 1 Cor 15:3-4; 1 Juan 2:2. Siya ang namatay upang ikaw ay mabuhay. 

Ikatlo, ang mga ministro, gaano man kahusay sa Biblia o katapat sa Diyos ay hindi perpekto. Si Cristo lamang ang akma at nararapat na layon ng pananampalataya. Ang pananampalataya sa nagkakamaling tao ay nangangahulugang idolatriya sapagkat tanging ang perpektong Diyos ang makapagliligtas.

Huwag kayong magpalinlang sa mga taong ang habol lamang ay huthutan kayo ng salapi o kaya ay pagsamanatalahan ang inyong pananampalataya. Ang iba ay inuutusang ibenta ang lahat ng pag-aari at umakyat sa bundok, anupa't sila ay nawawalan ng pagkakataon sa normal na pamumuhay. Ang iba naman ay humihingi ng walang katapusang pananalig sa kanilang dinastiya. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Nangungulila sa isang Ama