Ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig

 


Galatia 5:22 Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat...

Nitong nakaraang Linggo (Mayo 25), nagturo si Brod Meo patungkol sa palatandaan ng Espiritu sa isang Cristiano. Gaya nang kaniyang tinuro, ang pagsisimba, pagdarasal o pag-aabuloy ay hindi nangangahulugang ang isang tao ay may Espiritu o kung mayroon man, hindi nangangahulugang ang mga ito ay sinasagawa sa kapangyarihan ng Espiritu. Kahit mga hindi mananampalataya ay ginagawa ang mga ito.

Isa sa mga palatandaang kumikilos ang Espiritu ay sa pagdebelop ng mga karakter na masusumpungan kay Cristo. Sa Galatian 5 tinawag itong bunga ng Espiritu. Pangunahin sa listahan ay pag-ibig. 

Pag-ibig ang nagtulak sa Diyos upang iligtas ang tao and it makes sense na ang taong niligtas ng biyaya ng Diyos ay magkaroon ng manipestasyon ng pag-ibig sa kaniyang buhay. 

Ang pag-ibig ay laging naghahangad sa ikabubuti ng iniibig. Hindi nito inuuna ang sarili kundi handang magsakripisyo para sa iniibig. Marahil, paminsan-minsan (o marahil dalas-dalasan natin) basahin natin ang 1 Corinto 13. 

Pag-ibig ang nagtulak kay Pablo upang ibahagi ang mensahe ng pakikipag-isa (2 Corinto 5). Kung iniibig mo ang isang tao, hindi mo iibiging mapahamak siya sa impiyerno. 

Ang pag-ibig ay mapagpatawad. Dahil balot ng pag-ibig ang puso ni Cristo at ni Esteban, pareho silang humiling ng kapatawaran para sa kanilang mang-uusig. Sabi nga ni Pedro, ang pag-ibig ay nagtatakip ng maraming kasalanan. 

By ourselves, namimili tayo ng iniibig. Iniibig natin ang mga taong umiibig din sa atin, o nagbibigay sa atin ng kapakinabangan. Mahirap para sa ating ibigin ang mga hindi kaibig-ibig, mga taong ginagawan tayo ng masama o mga taong sinasamantala ang ating kabutihan. Ngunit sabi ni Jesus sa Sermon sa Bundok, ibigin mo ang umuusig sa iyo, at ipanalangin ang iyong mga kaaway. Hindi natin ito kaya. Ngunit ang Espiritung nananahan sa atin ang magbibigay sa atin ng kapangyarihang gawin ito. 

Ang hindi natin kayang gawin sa ating laman ay magagawa natin sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Iyan ay kung hahayaan nating ibigay sa Kaniya ang manibela ng ating mga buhay. 

Ang Espiritu ang kapangyarihan upang maisabuhay ang espirituwal na buhay. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama