Hindi nararapat
1 Corinto 11:27 Kaya't ang sinomang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.28 Datapuwa't siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro.29 Sapagka't ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon. Sa liwanag nang hindi maayos na kilos na ginagawa ng mga taga-Corinto sa Banal na Hapunan (nag-uunahan sa pagkain at pag-inom sa mga piyesta ng pag-ibig, at nagpapakabusog at nagpapakalasing sa lugar ng pagtitipon nang walang konsiderasyon sa mga kapatid na walang anuman), binigay ni Pablo ang isang prinsipyo- ang hindi nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon. Sa halip na magluwalhati at maghayag ng Kaniyang kamatayan at muling pagbabalik, ang mga banal ay nagkakasala. "Kaya't ang sinomang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkak...