Do I have to confess Christ before the congregation para maligtas?
Do I have to confess Christ?
Why?
Kung ang purpose mo ay i-share si Cristo sa iba upang sila ay manampalataya rin, by all means, confess Him before the congregation, before others, any time all the time. Normal lang sa nakatanggap ng isang magandang bagay, at wala nang gaganda pa kaysa pagkakaroon ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, na ibahagi ang magandang bagay sa iba, lalo na sa mga pamilya at kaibigan.
Ngunit kung ang confession of Christ before the congregation ay ginawang kundisyon upang tamuhin ang buhay na walang hanggan, it is wrong. Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo, Juan 3:16; 5:24; 6:47; Gawa 16:31; atbp. Ang sinumang nanampalataya kay Cristo ay may buhay na walang hanggan, whether you confess Him before men or not.
Ang karagdagang confession na ito ang minsan ay mitsa upang itakwil ng mga tao ang simpleng pananampalataya kay Cristo. May mga taong sadyang may timid personality at walang lakas na loob magsalita sa harapan, much more sa harap ng mga taong hindi kakilala, lalo pa tungkol sa hindi popyular na topic. Kailan pa naging popyular ang kaligtasan sa biyaya sa pamamagitan ng simpleng pananampalataya lamang kay Cristo lamang?
Ang confession ay malaking tulong sa pagpapakalat ng mensahe ng buhay. Ideally ito ay resulta ng malaking gratitude sa libreng regalong tinanggap. Ito rin ay direktang may kinalaman sa paglago kay Cristo. Ngunit ang mga ito ay hindi dapat ipilit para lamang magkaroon ng buhay kundi ang mga ito ay resulta ng paglago sa kaligtasan.
May mga taong nape-pressure na magtestimonyo ng kanilang kaligtasan kahit ayaw dahil inaakala nilang kapag hindi ito ginawa, hindi sila ligtas o mawawala ang kanilang kaligtasan. Nagreresulta ito sa pagkakaroon ng doubt sa genuineness ng pananampalataya.
Hindi mo kailangang i-confess si Cristo para maligtas. Ito ay function ng discipleship o ng buhay pagkatapos maligtas. Ito ay may kaakibat na rewards.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment