Anong sabon mo at feeling napakalinis mo?



Ecclesiastes 7:16 Huwag kang lubhang magpakamatuwid; ni huwag ka mang lubhang magpakapantas: bakit sisirain mo ang iyong sarili?17 Huwag kang magpakasamang lubha, ni magpakamangmang man: bakit ka mamamatay bago dumating ang iyong kapanahunan?18 Mabuti na ikaw ay manghawak dito; oo, doon man ay huwag mong iurong ang iyong kamay: sapagka't siyang natatakot sa Dios ay lalayo sa lahat na yaon.

Marahil magtataka kayo kung bakit binabalaan ni Solomon amg kaniyang tagapakinig na huwag lubhang magpakamatuwid o magpakapantas. Hindi ba mas tama ang lalong magpakalalim sa katuwiran at sa karunungan? At bakit imumungkahi niyang ghwag magpakasamang lubha o magpakamangmang man? Ibig bang sabihin okay lang ang kaunting kasamaan at kaunting kamangmangan?

Maraming interpretasyon ng pasaheng ito pero hayaan ninyong magmungkahi ako ng isang linya ng interpretasyon.

Nang sinabi ni Solomon na huwag lubhang magpakamatuwid at huwag magpakapantas, nilalarawan niya ang mga relihiyosong sobrang linis ang kanilang pakiramdam sa sarili na ang tingin nila sa lahat ay marumi! At mga taong feeling marunong na hindi siya nakikinig upang matuto sa iba. Ewan ko sa inyo pero nakakainis na makasama ang mga ganitong tao. Mga self-righteous at feeling wise. 

Ang sabi ni Solomon, tasahan ang self-righteousness. Hindi siya nakakatuwa. Nakakainis makarinig ng mga taong walang ibang ginagawa kundi tuligsain ang ibang tao dahil sa hindi natatapatan ang kaniyang personal na pamantayan ng katuwiran- hindi nagbabasa, hindi nananalangin, hindi nakikipagtipon. Sa halip na i-encourage ang iba sa mga gawaing ito, inaapak-apakan niya ang iba. Because it makes him feel good. 

Ganuon din ang feeling matalino. Kahit i-point out mo ang kaniyang kamalian, may prepared siyang justification. Feeling matalino. Madaling matisod kapag iyong pinagsabihan! Ayaw matuto sa iba.

Sinabi niya ring huwag magpakasama at magpakamangmang nang lubha. Hindi ibig sabihing okay lang ang kaunting kasamaan at kaunting kamangmangan. Sa halip nagbibigay siya ng praktikal na advice na may mga digri ng kasamaan at kamangmangan. May mga kasamaan at kamangmangang hindi nagdadala ng kamatayan; mayroong nagdadala ng kamatayan. Ang pagsisinungaling sa nanay ay masama, pero malabong ikamatay mo ito. Subukan mong magsinungaling sa ibang tao, hindi ko magagarantiyahan ang iyong buhay. Ang kamangmangan sa pag-manage ng iyong salapi ay maaaring magdala ng personal na pagdurusa pero ang waldasin ang pera ng kumpaniya ay ibang usapan. 

Mga Cristiano, pakinggan natin si Solomon. Huwag kang magpaka-self-righteous o magpaka-feeling matalino. Tasahan ang kasamaan at kamangmangan. Kapag nasobrahan, maaari mong ikamatay iyan. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Bakit Kailangang Umawit ang Simbahan?

Naghahanap ka ba ng kapahingahan?